top of page
Search
BULGAR

Sobrang katabaan, sanhi ng high blood

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | August 31, 2020




Dear Doc. Shane,

Sa edad kong 42 ay tumataas na ang aking presyon. Last time ay nagpakuha ako ng blood pressure sa kapitbahay naming student nurse. Ask ko lang kung may kinalaman ba ito sa katabaan? Sa ngayon wala akong iniinom na gamot pero okay naman ako. – Helen


Sagot


Ang high blood pressure ay delikadong sakit dahil marami ang nagkakaroon ng sakit sa puso at stroke dahil dito.


Sanhi:

  • Genes (ito ay namamana)

  • Lifestyle o uri ng pamumuhay

  • Pagkonsumo ng mga karne na matataas sa kolesterol

  • Pagiging tamad o kakulangan sa mobility ng katawan

  • Katabaan o obesity

  • Kakulangan sa ehersisyo

  • Masyadong pagbababad sa init ng araw


Ito ay tinaguriang silent killer o traydor na sakit sapagkat kung umatake ito ay biglaan at hindi nagpapakita ng agarang sintomas. Gayunman, may mga palatandaang mapapansin sa katawan ng tao kapag mataas ang presyon ng dugo nito.


Narito ang mga sintomas ng high blood pressure na dapat na bantayan:

  • Pagkahilo o pagsakit ng ulo

  • Kasabay ng pananakit ng ulo ay ang pananakit at pamamanhid ng batok

  • Panghihina ng katawan

  • Panlalabo ng paningin

  • Pagsusuka at kawalan ng gana sa pagkain


Paalala, hindi lahat ng nabanggit na sintomas ay nangangahulugan na mataas ang blood pressure at para makasiguro, mainam ang magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.


May ilang uri ng high blood pressure:


Para sa maraming Pinoy, ang alta-presyon ay may isang uri lamang. Ngunit alam n’yo ba na nahahati ito sa dalawang kategorya?


  • Primary hypertension. Ito ang karaniwang uri ng high blood sa buong mundo. Ang sanhi nito ay maling lifestyle, diet, aktibidad ng katawan at genetics.

  • Secondary hypertension. Kapag ang pasyente ay may sakit sa kidney o tumor sa adrenal glands, ito ay maaaring mauwi sa secondary hypertension.


Kung sasangguni sa doktor, titingnan nito ang resulta ng blood test upang matukoy ang abnormalidad. Kung ang sanhi ng alta-presyon ay ang mataas na cholesterol, magbibigay ang doktor ng maintenance na gamot para mapababa ang cholesterol sa dugo.


Paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo:

  • Bawasan ang pagkonsumo sa karne at matatabang pagkain.

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak at itigil na rin ang paninigarilyo.

  • Sanayin ang sarili na mag-ehersisyo.

  • Sikaping magkaroon ng sapat na tulog at umiwas sa stress.H

  • Ugaliin ang pagkain ng maraming prutas at gulay.

  • Kung may katabaan, sikaping makapagbawas ng timbang.

  • Bawasan din ang pag-inom ng kape dahil ang caffeine ay nakapagpapataas ng presyon ng dugo.

  • I-monitor ang presyon ng dugo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page