top of page
Search
  • BULGAR

Sobrang in love kay Chloe, sunud-sunuran… YULO, NAG-CROP TOP, PINAGTAWANAN NG MGA NETIZENS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 2, 2024



Showbiz News

Sa sobrang in love sa nobyang si Chloe San Jose, naging sunod-sunuran na lang ang two-time gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo. 


Maraming mga netizens ang dismayado kay Caloy nang makita ang ilang larawan niya sa socmed na bitbit ang bag ni Chloe at taga-payong na lang ng nobya. Pati ang kanyang pananamit ay binago na rin ni Chloe, kaya pinagtatawanan ngayon ng mga netizens si Carlos. 


Sa latest photo ni Carlos sa social media, nakasuot siya ng crop top with matching LV bag na hindi bumagay sa kanyang kasuotan. Feeling model daw ngayon si Caloy, at ang laki ng impluwensiya ni Chloe sa kanya. Hindi lang ang ugali ni Carlos ang binabago ni Chloe, kundi maging ang style nito sa pananamit. 


Dahil kay Chloe San Jose, marami na ang dismayado kay Caloy. May ilang celebrities din ang hindi nagustuhan ang kawalan ng respeto nito sa kanyang mga magulang.

Ang mundo ni Carlos Yulo ay nakasentro na lamang sa nobya niyang si Chloe San Jose. Kahit ano pa ang sabihin ng lahat, kahit na ma-bash pa siya nang todo, hinding-hindi niya hihiwalayan ang kanyang one and only love.


 

WALA pang pormal na kumpirmasyon mula sa kampo ni Jennylyn Mercado, pero maugong ang balitang baka tanggapin na raw nito ang offer ng Net25.


Mahigit tatlong buwan na raw kasi ang paghihintay ni Jen matapos mag-expire ang kontrata niya sa GMA Network. May mga lumabas din na espekulasyon na lilipat na siya sa Kapamilya Network o sa TV5. 


Maging ang mga tagahanga ni Jennylyn ay naiinip na rin at gustong malaman kung mananatili ba siyang Kapuso o magbabago na ng network?


Gustung-gusto na ni Jen ang magtrabaho at magkaroon ng bagong projects. May bali-balita na si Ms. Wilma Galvante, dating executive sa GMA-7 ang tumutulong ngayon kay Jennylyn upang magkaroon ng show sa Net25. Mataas ang posisyon ni Galvante sa nasabing network, kaya maaari itong magpasok ng talents. 

Sitcom daw ang unang show ni Jennylyn Mercado sa Net25.


 

MARAMI ang nagulat nang makita ang Kapuso actor na si Wendell Ramos sa ginanap na gift-giving ni Cong. Sam Verzosa para sa mga residente ng Tondo. Kasama ni SV sina Rhian Ramos at Wendell Ramos sa pamamahagi ng mga regalo sa mga residente ng Tondo.


May balitang tatakbong konsehal si Wendell sa District 2 ng Maynila, kaya siya sumasama sa mga events ni Cong. Sam. 


Well, lahat naman ay may karapatang kumandidato, kung sadyang ang hangad ay maging public servant. 


At dahil may karanasan na sa pulitika si Sam Verzosa, matutulungan niya si Wendell.  


Maraming showbiz personalities ang kakandidato sa 2025 elections, tulad ni Marjorie Barretto na muling papalaot sa political arena. Dati na siyang naging konsehal noon sa Caloocan City mula 2007 hanggang 2013. At ngayon, sa kanyang pag-iikot sa Caloocan, kasa-kasama niya si Gerald Anderson na nobyo ng anak niyang si Julia Barretto.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page