ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 6, 2024
Photo: Sanya Lopez at Alden Richards - Instagram
Guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) si Sanya Lopez kamakailan.
Natanong ng King of Talk ang Kapuso actress sa love scene nila ni Alden Richards sa Pulang Araw (PA).
Tanong ng TV host, “You had that love scene with Alden. Gaano ka-hot ‘yun?”
Birong sagot ni Sanya, “Parang sobrang hot,” saka biglang tumawa nang malakas.
Kuwento niya, “Kasi Tito Boy, ano po ‘yun, ang totoo po n’yan, dalawang beses po naming ginawa ‘yun, Tito Boy, ‘yung eksena na ‘yun. And ‘yun ‘yung first namin na ganu’n ‘yung scene.
Tapos, Tito Boy, ‘yung una kasi nu’n, ‘yung original, naka-damit kami.”
Patuloy pa ng aktres, “Tapos, parang sinabi nila na since nga po sa Netflix ito ilalabas naman, kumuha sila ng walang damit-pantaas, topless kami, pero may cover naman po kami. Because nag-go si Alden, go rin naman po ako that time.
“So nu’ng time na ‘yun, hiyang-hiya talaga ako nu’n kay Alden kaya ang ginawa ko, sabi ko sa kanya, may ishinare ako before na tinanong ko s’ya kung meron na ba s’yang ganitong eksenang nagawa for us para maging comfortable kami sa isa’t isa.
“Kasi medyo nakakakaba talaga ‘yun, ang lamig talaga du’n, hanggang ngayon, nilalamig kamay ko, Tito Boy. Ganu’n s’ya ka-intense pero in fairness to Alden, iningatan n’ya rin naman ako.”
Si Sanya ay sister ng Kapuso actor na si Jak Roberto, ang boyfriend ni Barbie Forteza na kasama ni Sanya sa teleserye bilang kapatid niya sa PA.
NABAHALA si Dani Barretto dahil may nanggagaya ng kanyang Wellness Whispers (WW) health drink business sa isang online store.
Post ng eldest sister ni Julia Barretto sa kanyang Instagram (IG), “Rumespeto naman kayo.”
Sinabi pa niyang mag-create ang mga ito ng kanilang honest business at huwag manggagaya sa gawa ng iba.
In-inform pa niya ang mga ito na gagawan niya ng legal action ang online store kapag hindi tumigil ng pang-i-scam sa pinaghirapan niyang negosyo.
Ang WW ay isang local business na itinayo ni Dani.
Aniya pa, wala silang resellers at distributors, naka-affiliate lang daw sila sa mismong TikTok.
“Please, only buy from @wellnesswhispersph official stores. Wala po kaming resellers and distributors, we only have TikTok affiliates. Please help us report this account. And to this shop, you’re not allowed to use the name Wellness Whispers, I own that name, naka-trademark po ‘yan. I am prepared to take legal action if you don’t stop selling all these fake products,” pagbibigay-warning niya sa online store.
Si Dani ay eldest daughter ni Marjorie Barretto sa ex-boyfriend na si Kier Legaspi. Kapatid siya nina Julia, Claudia, Leon, and Erich.
Ikinasal siya kay Xavi Panlilio na well-known ang family clan at biniyayaan sila ng anak, si Millie. Kapapanganak lang din niya kamakailan sa kanilang second baby.
ANG haba ng birthday message ni Kim Chiu para sa kaibigang si Angelica Panganiban.
Post niya sa Instagram (IG) account: “Happy, happy birthday to this beautiful soul and gorgeous momma! The strongest I’ve ever known.
“Momsy, grabe ang daming nangyari sa taon na 'to para sa 'yo, ups and downs (extreme) but you remained stronger than ever (heart and praying emoji).
“Thank you for always sharing your time and for always being there. I love you so, so much, Momsy! Wishing you good health, speedy recovery, all the happiness and blessings this world can offer dahil deserve mo ‘yun. Love you so much!”
Dagdag pa niyang sabi, “I think lalaban ka na sa next TikTok challenge! ‘Di ba momsy @bela? any suggestions, guys? Comment below! Hihihi.
“Cheers to love, life and many more birthdays to celebrate! Love you, Momsy. Thank you for the gift of friendship! #AngBeKi rocks!!! HAPPY BIRTHDAY!”
Ayon pa sa @chinitaprincess, kulang umano ang 20 slides na ipinost niya sa IG sa dami ng gusto niyang i-share na photos at videos.
Tanong ng isang netizen, “Paano po nabuo ang AngBeKi (Angelica, Bela at Kim)?”
Sagot ng isa, “Nag-gatecrash sina Kim at Bela sa birthday ni Direk Andoy at nagkataon na nandu’n si Angelica, du’n nag-start ang friendship nilang tatlo.”
Si Angge naman ay sinagot ang TikTok Challenge sa tila panghahamon ng kanyang kaibigan, “Magsabi lang kayo kung kailan ang TikTok (challenge) na ito at ibibigay ko ang lahat-lahat, makasabay lang ako. Love you, Momsy!”
Comments