top of page
Search
  • BULGAR

Sobra raw ang inabot na stress… RABIYA, NA-SCAM NG P1M NG BUSINESS PARTNER

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 28, 2024




Showbiz News

Ini-reveal ni Rabiya Mateo na naloko at nagoyo siya ng kanyang business partner sa isang investment scam na halagang humigit-kumulang na P1 million.


Ayon sa dating beauty queen, base sa ulat ng Balitanghali sa GTV, nine months na ang itinatakbo ng kanilang partnership bago niya nadiskubre ang ginagawang panloloko sa kanya ng business partner.


Sobrang sakit daw para sa kanya at katakut-takot na stress ang inabot niya nang malamang nawala nang ganu’n na lang ang perang pinaghirapan niya. 


Hindi na sinabi ng aktres kung nabawi pa niya ang kanyang pera o kung nagsampa siya ng demanda.


Aniya ay isang napakalaking lesson para sa kanya ang nangyari, kaya ngayon ay mas naging maingat na raw siya sa pagpasok sa negosyo upang hindi na ito maulit.


 

HANDA na umano si Senador Lito Lapid na magbitiw bilang senador kung mapapatunayang siya ay sangkot o protektor sa operasyon ng POGO sa Pampanga.


Ito ang pahayag ng action star/politician sa kanyang pagdalo sa hearing ng Senado sa nabulgar na mga ilegal na aktibidad at human trafficking sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na ni-raid ng PAOCC at PNP.


Sa pagtatanong ni Sen. Lapid, sinabi ni Porac Mayor Jing Capil na hindi pagmamay-ari ng senador ang 10 hektaryang lupain na tinayuan ng ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga.


Nilinaw ng senador na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO na siyang inaakusa ng isang hindi pinangalanang vlogger. Aniya, hindi niya dudungisan ang kanyang pangalan na dekada na niyang pinangangalagaan.


Nagsilbi raw siya bilang vice-governor ng Pampanga, three-term na governor at ikaapat na termino na niya sakaling magwagi sa eleksiyon para senador sa darating na 2025.


“Hindi ako papayag na masira ang pangalan ko rito,” deklara ni Supremo ng FPJ’s Batang Quiapo.


Hiniling niya kay NBI Director Jaime Santiago na beripikahin ang impormasyon na sangkot sa iba’t ibang kaso at wanted sa batas ang vlogger na umuupak sa kanya. 


Nauna rito, hiniling ng senador sa Senate Committee on Women, Children and Family Relations na isama sa imbestigasyon ang POGO operation sa Porac, Pampanga at kasuhan ang mga taong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen sa ilegal na POGO. 



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page