top of page
Search
  • BULGAR

Sobra na 'to, Pia! HEART, NAMUDMOD NG ALAHAS AT LUXURY BAGS SA GLAM TEAM

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 28, 2024



Showbiz News

Napaka-generous ni Heart Evangelista sa mga taong nakasama niya sa kanyang mga fashion events at product launching. 


Recently, naimbita si Heart sa isang affair ng malaking jewelry shop sa Japan, at maraming iniregalong alahas sa kanya ang may-ari.


Mamahalin ang mga ito at mayayaman ang mga customers ng jewelry shop, kaya malaking karangalan sa kanila ang pagbisita ni Heart.


Bukod sa talent fee (TF), may extra jewelry na necklace na may palawit na puso ang regalo kay Heart. Ibinigay naman ito ng aktres sa kanyang glam team na kasama niya sa Japan. 


Ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat ng mga ito sa kanya. 


Bukod sa alahas, may mga branded bags ding ibinigay si Heart sa kanyang mga kasama.


Bongga talagang magregalo si Heart Evangelista at marunong mag-share ng blessings.


 

KASABAY ng paggunita sa 60th anniversary ng pagkakatatag ng Regal Films, ipinangako ni Roselle Monteverde (anak ni Mother Lily Monteverde) na ipagpapatuloy nila ang kanilang movie production sa paggawa ng magaganda at makabuluhang pelikula. 


Bagama’t pumanaw na sina Mother Lily at Father Remy Monteverde, itutuloy nila ang legacy na iniwan ng mga Monteverde sa showbiz. 


Mahal ni Mother Lily ang movie industry, kaya’t lagi siyang nagpoprodyus ng mga pelikula at patuloy na tumutuklas ng mga bagong talento. 


Samantala, may tatlong pelikulang inaprubahang gawin si Mother Lily bago pa ito pumanaw — ang Guilty Pleasure (GP), na co-produced ni Lovi Poe sa ilalim ng C’elest Lovi Productions at kasama sina Jameson Blake at Dustin Yu na showing na sa October 16;  ang My Future You (MFY) na launching ng love team nina Francine Diaz at Seth Fedelin; at ang horror movie naman na Untold na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria na intended para sa darating na MMFF 2024. Hopefully, mapili ito dahil trademark ng Regal Films ang horror movies sa MMFF.


 

PATULOY ang paghakot ng awards at pagkilala sa Comedy Genius na si Michael V. sa sitcom na Pepito Manaloto (PM). 


Kamakailan, ginawaran si Michael V. ng Asia Academy Creative Awards bilang Best Comedy Actor (National Winner), at ang PM naman ay itinanghal na Best Comedy Program. 


Ang PM ay napapanood tuwing Sabado nang gabi sa GMA-7. Sabi nga ng ilang viewers, ang kuwento ng PM ang dahilan kung bakit sila nawiwili sa panonood. 


Kahit na konti lang ang cast nito at hindi malalaking artista ang kasama, minsan ay may mga guest stars naman. 


Sa PM na lumaki at nagdalaga ang dating child star na si Angel Satsumi, na gumaganap na Clarissa, anak nina Manilyn Reynes at Michael V. 

Dito na rin nagtagal sina Jake Vargas at John Feir.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page