top of page
Search
BULGAR

Smuggled gulay na nagkakahalagang P66 M, nasabat sa Port of Subic

ni Jasmin Joy Evangelista | November 22, 2021



Nasabat ng mga awtoridad sa Port of Subic ang dalawang container shipment na may lamang smuggled vegetables na umaabot sa P66 milyon ang halaga.


Nakatanggap umano ang Bureau of Customs ng impormasyon hinggil sa mga nasabing shipment na naka-consign sa JKJ International Co. at EMV Consumer Goods Trading.


Isinailalim ang mga ito sa eksaminasyon at doon ay nakita na ang laman ng shipment ay carrots, sweet oats, broccoli, mushroom at red onions.


Sinabi rin ng intelligence group ng BOC na ilang beses nang nagpalit ng pangalan ang EMV Consumer Goods pero hindi naman ito nakakalusot.


Nag-issue na ng warrants of seizure and detention ang BOC laban sa nasabing shipments dahil sa paglabag sa Department of Agriculture Circular No. 04 Series of 2016 hinggil sa importasyon ng plant products for commercial use at Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.


Patuloy naman ang pagpapaigting ng monitoring laban sa mga smuggled na produkto lalo’t nalalapit na ang holiday season

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page