top of page
Search
BULGAR

SM Supermalls, unang opisyal na partner sa venue ng VAXCertPH

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 07, 2021




Hello, Bulgarians! Nakatutuwang malaman na sa panahon ng pandemya, tulung-tulong ang lahat para labanan ang sakit na nagpatigil sa mabilis na takbo ng mundo. Hindi lamang indibidwal ang nagbubuklod kundi maging ahensiya ng pamahalaan at negosyante.


Malugod na tinatanggap ng SM ang mga booth ng VAXCertPH sa buong bansa. Ang SM Supermalls ay naging unang opisyal na partner sa venue ng VAXCertPH matapos pumirma sa kasunduan sa Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa SM City Clark, noong Lunes, Oktubre 4.


Sa paglunsad ng inisyatibo, sinabi ng SM na magbibigay sila ng mga partikular na lugar sa 76 SM malls para sa mga booth ng VAXCertPH kung saan maaaring ma-verify ng mga Pilipino ang kanilang digital vaccination record mula sa LGUs.


Naroroon sa MOA para sa pagpirma sina (L-R) Steven T. Tan, President SM Supermalls; Sec. Carlito Galvez, Jr., National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine czar; Health Secretary Duque; DILG USec Jonathan Malaya; at, Vince Dizon, Testing czar.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page