ni Julie Bonifacio @Winner | February 14, 2023
Dinagsa ng batikos si Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa social media sa naging pahayag niya sa usaping physical and mental bullying sa ginanap na pagrerebyu ng Senado para sa implementasyon ng Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Law of 2013 kahapon.
Para kay Sen. Robin, okay lang daw ang “slight physical bullying.”
“'Yun po sigurong physical bullying, para po sa akin, ano, kayang i-handle ‘yun. Ang hindi po kayang i-handle ay 'yung mental (bullying) kasi ‘yun po ang mabigat para sa akin ngayon, ‘yun po ang nararanasan ng mga kabataan, ‘yung mental torture,” pahayag ni Sen. Robin.
Mas dapat daw tutukan ang paggawa ng batas sa usaping mental bullying.
“'Yung mental na bullying, siguro po, 'yun po ang dapat nating harapin at kung ano man po siguro, 'yung physical bullying, kapag umabot siguro na gusto ka nang patayin. Pero 'yung kadyot-kadyot lang d'yan, ok lang 'yun,” paliwanag niya.
Pagkatapos ay ginawa pang example ni Sen. Robin ang sarili dahil naka-experience rin daw siya ng physical bullying.
“'Yung physical torture—sorry po, ah, pero para sa akin, nakatulong pa sa akin para maging—hindi naman po sa usapin lamang na humarap sa buhay, palagay ko, mga 20%, 30% nakatulong pa 'yun,” sabi pa niya.
Kinontra ng mga netizens si Robin sa kanyang opinyon on physical and mental bullying.
“Nooo… physical is still a physical, kahit ba sabihin mo na tulak-tulak lang 'yan, eh. Masakit na nga 'yung verbal, pero mas masakit 'pag physical. Geez....”
“That doesn't mean you experienced such thing, that means it will also be effective to other students. 'Di ka galing sa education sector and wala kang background with teaching profession kaya manahimik ka d'yan.”
“With all due respect, Mr. Senator Sir... I did not raise my children to be tortured in any form, in any way. Never have I laid my hands on them, so why should I allow others? Libre naman po ang common sense, Mr. Senator Sir. Puwede po, mag-isip-isip muna bago magsalita?”
Nakakita tuloy ng pagkakataon ang mga bashers ni Sen. Robin para i-bash siya.
“Eto na naman po tayo sa mga barbarong senador. Law maker ang kailangan at hindi 'yung papayagang manakit ng kapwa.”
“Sige nga, try mo sa mga anak mo 'yung kadyot lang na pananakit. Saka mo ulit sabihin na okay lang.”
“Mukhang ito na 'yung naging resulta ng physical niya. Puwede siyang gawing case study.”
“Ah, kaya pala ganyan kayo, may saltik! Kaka-torture sa 'yo 'yan!"
Hala!
Commentaires