top of page
Search

Skin care habits na bad sa balat

BULGAR

ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | February 16, 2023





2023 na, kumusta ang skin care routine mo, besh?


Isa ka ba mga may sandamakmak na skin care steps para makatiyak na ma-a-achieve mo ang flawless skin na matagal mo nang pinapangarap?


For sure, napakarami nating skin care habits na natutunan at patuloy na ginagawa dahil sa paniniwalang nakakatulong ito upang gumanda ang ating balat.


Pero ang tanong, gaano tayo kasigurado na epektib ang mga habits na ito?


Ayon sa mga eksperto, narito ang mga skin care habits na hindi good sa ating balat:


1. PAGGAMIT NG NAPAKARAMING SKIN CARE PRODUCTS. Ayon sa mga eksperto, mas mabuting simple lamang ang skin care regimens. Gayunman, mahalaga umano ang cleanser, moisturizer at sunscreen, at dagdagan na lamang ito depende sa pangangailangan ng balat. Ngunit paalala ng mga eksperto, ang over-exfoliating gamit ang chemical o physical exfoliator nang sobra sa tatlo hanggang apat na beses kada araw ay posibleng makasira ng skin barrier, na magreresulta sa pamumula, irritation at dryness.


2. PAGGAMIT NG FRAGRANCED MOISTURIZER. Bagama’t oks lang naman ito, binigyang-diin ng mga eksperto na ang mga taong prone sa rosacea, acne o dry skin ay dapat umiwas sa ganitong uri ng produkto. Para sa mga may red at irritated skin, inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit ng moisturizer na may ceramide, niacinamide o oatmeal, na nakakatulong sa pag-repair at restore ng ‘compromised skin barrier’. Habang ang mga may dry skin naman ay pinapayuhang umiwas sa bubble bath, partikular ang mga fragranced products. Bagkus, mas oks umanong gumamit ng lukewarm shower o bleach bath, isang beses sa isang linggo.


3. PAGPUTOK NG TAGHIYAWAT. Ito ay dahil napapalala ng pagputok ng taghiyawat ang acne, gayundin ang dark sports. Sey ng experts, ang pimple popping ay nagdudulot ng ‘post inflammatory hyperpigmentation’ o mas matagal na paggaling ang dark sports. Dahil dito, inirerekomenda ang paggamit ng pimple patch para hindi ito mahawakan, gayundin, gumamit ng sunscreen. Bukod pa rito, oks din umanong gumamit spot treatments na may benzoyl peroxide o salicylic acid na nakakatulong sa dark spots.


4. PAGGAMIT NG MAKE-UP WIPES. Sa halip na gumamit ng make-up wipes bilang make-up remover, inirerekomenda ng mga eksperto ang double cleansing. Ito ay dahil harsh sa balat ang make-up wipes at hindi nito masyadong natatanggal ang make-up.


Bagkus, posibleng magbara ang pores sa paggamit nito. Samantala, ang double cleansing ay paraan ng pagtanggal ng make-up kung saan dalawang beses na maghihilamos. Una, kailangang gumamit ng oil-based cleanser o cleansing balm para matanggal ang makeup, at pangalawa, ang water-based hydrating cleanser na magtatanggal ng mga makeup debris. Ang double cleansing ay isang gentle way ng pagtanggal ng makeup, sunscreen at dumi na naiipon sa buong araw.


5. HINDI PAGGAMIT NG SUNSCREEN. Tulad ng nabanggit, mahalagang gumamit ng sunscreen upang maiwasan ang sun damage, na nagpapalala ng dark spots at aging.


Bagama’t may mga produktong mayroon nang SPF, mahalaga pa rin umanong gumamit ng sunscreen na mayroong SPF 30 pataas araw-araw, anumang klase ng panahon.


Oh, mga beshie, make sure na hindi nakakasama sa inyong balat ang mga ginagawa n’yong skin care steps, ha?


Ngayong 2023, say hello sa healthier skin at say goodbye sa mga bad habits na dati nating ginagawa. Keri?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page