NANG MAGKITA ULI, WALA NANG KILALA.
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 04, 2021
Blind item:
Minarkahan na ng maraming reporters ang isang aktor na feeling big star kung umasta. Pakiramdam ng aktor sa kanyang sarili ay napakagaling na niya kaya dapat bigyan ng malalaking projects.
Gusto niyang i-level-up ang kanyang sarili sa ilang multi-awarded actors. Kaya 'pag may bago siyang pelikula o serye ay ramdam ng mga tao sa kanyang paligid na sobrang bilib siya sa kanyang sarili.
Pero ang ugali niyang kinaiinisan ng maraming reporters ay 'yung kawalan niya ng sinseridad sa pakikitungo. Kapag may pa-presscon para sa kanyang pelikula ay super sweet siya sa mga nakakaharap na press people. Super-chika-chika at feeling close sa lahat. Okey lang sa kanya na mapagod sa kase-selfie sa mga reporters na nag-interview sa kanya. Kaya ang buong akala ng mga reporters ay matatandaan ng aktor ang kanilang mukha at mga pangalan.
Pero ilang araw lamang ang lumipas, nang ma-meet nilang muli ang aktor sa isang event ay dedma na ito, as in hindi na sila kilala ng feeling-sikat na aktor.
Biglang-bigla na itong nagkaroon ng amnesia at hindi na kilala ang mga reporters na ilang araw lang ay binebeso-beso pa niya.
Plastik ang aktor, Hari ng Tupperware at Orocan! Minus factor 'yun sa aktor na ngayon pa lamang ay sinasabi nang hindi sisikat nang husto.
Kommentare