ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 08, 2021
Karamihan sa mga pasyenteng nasa intensive care units (ICUs) ay hindi bakunado laban sa COVID-19, ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser ng National Task Force against COVID-19.
Aniya sa isang panayam, "Mga taong infected sa ICU, nine out of 10, hindi vaccinated. 'Yung may bakuna, mild lang, may sipon lang.
Hindi nila kailangang maospital, doon lang sila sa isolation facilities.” Nanawagan din si Herbosa sa publiko lalo na sa mga senior citizens at mga may comorbidities na magpabakuna na laban sa COVID-19.
Samantala, noong Sabado, sumipa sa 11,021 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 at pumalo na sa 1,649,341 ang total cases sa bansa kung saan 1,544,443 ang gumaling na at 28,835 ang mga pumanaw.
Comentarios