ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023
Nagbabala nitong Biyernes ang punong tagapamahala ng World Health Organization (WHO) na si Tedros Adhanom Ghebreyesus na lugmok na ang sistemang pangkalusugan sa Gaza matapos umabot na sa 36 na ospital ang 'di magamit.
Ayon kay Tedros, higit 250 pag-atake ang nakasentro sa pangangalagang pangkalusugan, karamihan ay pambobomba sa mga ospital, klinika, ambulansya, at mga pasyente sa Gaza.
Aniya, masusuportahan ang mga health workers at pasyente sa pagbibigay ng mga kagamitan at suplay ng mga gamot.
Comentários