top of page
Search
BULGAR

Sistema ng Comelec bulok, pinakakandidato ang mga sikat, ‘pag hindi reject, nuisance candidate daw

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 6, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PILIPINAS ANG MAY PINAKAMATAAS NA VAT SA BUONG SOUTHEAST ASIA -- Sa isinapublikong data ng PricewaterhouseCoopers (PwC) na nakabase sa London ay sa buong Southeast Asian countries, ang Pilipinas ang may pinakamataas na VAT o Value-Added Tax na 12%.


Ngayon, dapat pa bang i-memorize bakit ubod nang taas ang presyo ng mga bilihin at mga bayarin sa bansa? Boom!


XXX


NAGSASALIMBAYAN SA DAMI NG MGA MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO SA PAG-FILE NG COC SA KAGUSTUHANG LAHAT SILA SUWELDUHAN NG MAMAMAYAN, MAY KAPANGYARIHAN PA SA PAMAHALAAN -- Mula nang umpisahan ang filing ng certificate of candidacy (COC) noong Oct. 1 at hanggang ngayon ay nagsasalimbayan sa rami ang mga magkakapamilyang pulitiko na sabayang kakandidato sa May 2025 midterm elections.


Ganyan karami ang mga political dynasty sa ‘Pinas na bukod sa pagnanais na lahat sila ay maging suwelduhan ng mamamayan, hangad din na magkaroon ng kapangyarihan sa pamahalaan, mga buset!


XXX


MGA SIKAT LANG ANG PINAKAKANDIDATO, KAPAG ‘DI SIKAT REJECT NG COMELEC, NUISANCE CANDIDATE DAW -- May mga hindi kilalang personalidad ang sasabak din sa eleksyon, kaya lang dahil hindi sila sikat, siguradong idedeklara sila ng Comelec na mga nuisance candidate o pampagulo lang sa halalan kaya’t siguradong ire-reject o ikakansela ng komisyon ang kanilang mga certificate of candidacy (COC) o hindi sila

papayagang lumahok sa eleksyon.


Isa ‘yan sa bulok na sistemang pamantayan ng Comelec, na basta hindi sikat, hindi nila pinapayagang kumandidato, tsk!


XXX


‘DI MAN MAKAKANDIDATO SA ELEKSYON, KAPAG NAHULI PUWEDE NAMANG TUMAKBONG ‘MAYOR’ SA SELDA SI HARRY ROQUE -- Sa tuwing may eleksyon sa bansa ay kumakandidato si former presidential spokesman Harry Roque, kaya lang dahil nagtatago siya sa batas matapos i-contempt ng Quad-Committee ng Kamara ay hindi niya magawang lumabas sa kanyang pinagtataguan para mag-file ng candidacy.


Kapag sumapit na ang deadline sa filing ng COC sa Oct. 8, 2024 at hindi pa rin siya nakapag-file ng kanyang candidacy ay may pag-asa pa naman siyang kumandidato kapag nahuli na siya ng mga otoridad.


Puwede siyang tumakbong “mayor” sa seldang kanyang kapipiitan, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page