top of page
Search
  • BULGAR

Sisirain daw ang career… JOSHUA, PINAG-IINGAT NA MAKABUNTIS NG FAN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 6, 2024



Showbiz News


Dapat mag-ingat ngayon si Joshua Garcia dahil may isang fan na sobrang obsessed sa kanya at sisirain ang kanyang career. 


Maaaring magdulot ito ng iskandalo dahil ipagkakalat ng nasabing fan na siya ay buntis at si Joshua ang ama. 


Well, malaki ang magiging epekto nito kay Joshua Garcia, lalo na't pinaghirapan niyang makuha ang kanyang magandang career at makawala sa anino ni John Lloyd Cruz. 


Hindi na ikinukumpara ang kanyang acting kay JLC. Mayroon na siyang sariling tatak sa pag-arte. 


Kaya ang payo ngayon ng mga netizens kay Joshua ay huwag masyadong magtitiwala sa mga tao sa kanyang paligid. Huwag ding masyadong malapit sa mga nagtatrabahong female stars, lalo na sa mga may lihim na pagnanasa sa kanya.


 

AYON sa nakikitang awra ngayon ng psychic na si Jay Costura sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, handa na siyang maging ina. 


Malaki ang posibilidad na magbuntis na si Sarah G. ngayong 2024 o sa simula ng susunod na taon. 


Maaaring sina Sarah at Matteo Guidicelli ang mag-aanunsiyo ng magandang balita sa kanilang mga tagahanga. 


Tapos na ang mga proyekto ng power couple na bahagi ng kanilang paghahanda para sa kanilang future. Okey na rin ang mga naitayo nilang negosyo. Ngayon, ang priority nila ay bumuo ng sariling pamilya.


Well, alam ni Sarah na inaabangan na ng kanyang mga tagahanga at gusto nilang makita ang kanyang mini version. Gusto na rin naman ni Sarah na maranasan ang maging ganap na mommy.


Well, tingnan natin kung gaano kahusay ang psychic na si Jay Costura, kung magaganap ang kanyang hula kay Sarah Geronimo.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page