top of page
Search
BULGAR

'Siony', lumayas na ng 'Pinas, 'Tonyo' next!

ni Lolet Abania | November 7, 2020




Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Siony na may international name na Atsani na nasa layong 280 kilometro hilagang kanluran ng extreme northern Luzon na may lakas na bugso ng hangin na 95 kph na aabot ng hanggang 115 kph at kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 10 kph, ayon sa PAGASA.


Ayon sa forecast ng PAGASA, bandang alas-4 ng umaga ngayong Sabado, namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) na tinatayang nasa layo na 440 kilometro silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.


Asahan itong magiging ganap na bagyo sa susunod na dalawang araw at tatawagin itong Tropical Depression Tonyo. Gayundin, kumikilos ang LPA patungo sa bahagi ng Eastern Visayas na posibleng bumuhos ang malakas na ulan ngayong umaga o hapon.


Samantala, makakaranas ang mga lugar sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao ng maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa LPA.


Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan din ang mararanasan na posibleng magkaroon ng pagbaha at landslides sa nasabing lugar, ayon sa ulat ng PAGASA.


Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may manaka-nakang pagbuhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms na posibleng magkaroon ng pagbaha o landslides.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page