ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 23, 2021
Dear Doc. Shane,
Nais kong maliwanagan tungkol sa sakit na lupus. May gamot ba para rito at kung magiging normal ba ang aking buhay dahil dito? – Gemma
Sagot
Ang sakit na lupus ay inflammatory disorder ng ating connective tissue at dalawa ang klase nito. Sa Discoid Lupus Erythematosus ang apektado lamang ay ang balat at ‘yung ikalawa naman ay Systemic Lupus Erythematosus na ang apektado naman ay maraming organo ng katawan, kasama rito ang balat, puso, kidney at utak. Hindi tiyak kung ano ang sanhi ng Systemic Lupus E. Sa sakit na ito ang ating katawan ay nagpupundar ng antibodies laban sa sariling selula na parang nilalason nito ang sariling selula sa katawan kaya ang nangyayari ay humihina ang resistensiya.
Ang sabi nila posibleng ito ay nasa lahi o kaya ay maaaring dulot ng stress, virus o sikat ng araw. Narito ang ilang sintomas ng taong may SLE: rayuma, sensitibo sa sikat ng araw, may sugat sa bibig at lalamunan, may pamumula ng mukha na hugis paru-paro, namumutla o nakararamdam ng pamamanhid, may impeksiyon sa structure na bumabalot sa baga at sa puso.
May ibinibigay na gamot na puwedeng kumontrol sa atake ng SLE, tulad ng steroids na pumipigil sa pamamaga at impeksiyon na dala ng lupus. At kapag nakontrol na ang sintomas, unti-unti ng ibinababa ang dosis ng steroid tablet. Oo, maaari pang mamuhay ng normal ang isang taong may SLE.
Makatutulong ang paggamit ng payong, sun glasses at damit na mahaba ang manggas kung nasa labas ng bahay at mainit ang sikat ng araw. Damihan ang oras ng pamamahinga, regular na ehersisyo at imantina ang balanseng diet na dapat low salt at low protein die.
Comentarios