top of page
Search
BULGAR

Sintomas, sanhi at iba pang kaalaman sa dyspepsia

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 6, 2020




Dear Doc. Shane,


Bakit kaya pagkatapos kong kumain ay para akong nasusuka kahit hindi naman ako buntis? Ito rin ay may kasamang pangangasim ng sikmura. – Lani


Sagot


Ang dyspepsia o indigestion ay pangkaraniwang kondisyon na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng pagsusuka (vomiting), pananakit ng tiyan (abdominal pain), pagtatae (diarrhea) at pangangasim ng sikmura (heartburn o acid reflux). Napipigilan nito ang wastong pagtunaw ng kinain.


Ang dyspepsia ay madalas nagaganap habang o pagkatapos kumain. Hindi man ito nakamamatay, maaari nitong mapigilang ang malayang paggalaw ng tao at makaistorbo sa pang araw-araw na pamumuhay. Maaari rin itong magdulot ng dehydration dahil sa sobrang pagtatae at pagsusuka.


Ano ang mga sintomas ng dyspepsia?

  • Pagbigat ng pakiramdam matapos kumain

  • Nausea

  • Pagsusuka (vomiting)

  • Pagtatae (diarrhea)

  • Pamamaga ng tiyan (stomach bloating)

  • Pagkawala ng gana kumain

  • Pangangasim ng sikmura (heartburn)

  • Maasim/maalat na lasa sa bibig

  • Pagdighay (burping)


Bihirang maging malubha ang mga sintomas ng dyspepsia, ngunit hindi ito dapat ipagwalang bahala, lalo na kapag hindi ito gumagaling o nakararanas ng matinding pagtatae o pagsusuka matapos kumain.


Meron ding mga ALARM symptoms ang dyspepsia na maaaring indikasyon ng malubhang karamdaman. Ang ALARM ay nanggaling sa mga salitang ingles na Anemia, Loss of weight, Anorexia, Recent onset of progressive symptoms, Melena at Swallowing difficulty. Magpatingin agad sa doktor kung nakararanas ng anuman sa ALARM symptoms.


Samantala, maaari rin lumala ang ibang sintomas ng dyspepsia kapag maraming sumasamang hangin habang kumakain. Kasama na ang pagdighay at paninigas o paglaki ng tiyan (bloating).


Ano ang mga sanhi ng dyspepsia?

Ito ay maaaring organic o functional. Ang organic dyspepsia ay dulot ng umiiral na karamdaman, epekto ng gamot o mga paraan ng pamumuhay. Ito ang mga pangkaraniwang sanhi ng organic dyspepsia:

  • Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)

  • Hiatal Hernia

  • Lactose Intolerance

  • Irritable Bowel Syndrome

  • Peptic Ulcer

  • Pancreatitis

  • Thyroid disease

  • Duodenal Ulcer

  • Diabetes

  • Depresyon (Depression)


Lunas:

  • Analgesics

  • Antibiotics

  • Birth Control Pills

  • Steroids

  • Thyroid Medicines


Tandaan na ito ay maaaring indikasyon ng malubhang karamdaman tulad ng diabetes. May maliit na pagkakataon din na ito ay dulot ng kanser sa sikmura o stomach cancer. Kapag ito ay hindi gumagaling at hindi rin dulot ng kahit ano sa itaas, ito ay maaaring functional dyspepsia na hindi malala ang mga sintomas ngunit nararanasan sa matagal na panahon.


Paano maiiwasan ang dyspepsia?


Ang pag-iwas sa dyspepsia ay nangangailangan ng nakabubuting pagbabago sa pamumuhay. Nagsisimula ito sa wastong pagkain at pag-iwas sa mga karaniwang sanhi tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak o softdrinks. Ugaliin din na nguyain ng husto ang kinakain. Ang mga hakbang na ito ay nakatutulong upang mapigilan ang pagpasok ng hangin at mabawasan ang bigat na nararamdaman ng sikmura sa pagtunaw ng pagkain.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page