ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 3, 2020
Dear Doc. Shane,
Ano ba ang sintomas na nararamdaman ng pasyenteng may hypothyroidism? Hindi raw sapat ang aking T3 at T4 hormones noong ako ay magpa-test. – Angelia
Sagot
Ang thyroid ay gland sa katawan na hugis paru-paro na matatagputan sa harap ng leeg. Gumagawa ito ng hormones at isinu-supply sa buong katawan. Ang mga hormones na ito ay tumutulong mag-maintain ng utak, puso, muscles at ibang organ sa katawan. Kinokontrol ng thyroid gland ang paggamit ng enerhiya ng katawan na galing sa kinaing pagkain, tinatawag ang prosesong ito na “metabolism”. Apektado ng metabolism ang init ng katawan, tibok ng puso at pagsunog ng calories. Dapat normal lang ang dami ng T3 at T4 hormones.
Sintomas ng hypothryoidism:
Pakiramdam na sobrang pagod
Panghihina
Kahirapan sa pagbabawas ng timbang
Magaspang, natutuyong buhok at balat
Pagkawala o pagkalagas ng buhok
Pagkasensitibo sa malamig
Cramps at sakit sa katawan
Nahihirapang dumumi
Madaling magalit
Pagiging makakalimutin
Abnormal na menstrual cycle
Nabawasan ang libido
Mabagal na pananalita (matinding kaso)
Paninilaw ng balat (malubhang kaso)
Mabagal na tibok ng puso
Matinding pagkalungkot o depresyon
Pananakit ng mga buto/muscle
Pagtambok ng mukha, mga kamay at paa
Dapat iwasan:
✖ Soya Bean
✖ Wheat bread
✖ Gluten
✖ Fatty foods
✖ Alcohol
✖ Cigarette smoking
✖ Cabbage
✖ Cauliflower
✖ Brocolli
Dapat kainin:
✔ seafood
✔ talaba
✔ tahong
✔ pusit
✔ Maaari ring gumamit ng iodized salt sa mga pagkain.
Dapat gawin:
✔ Pag-eehersisyo
✔ swimming
✔ biking
✔ Maiibsan ng ehersisyo ang mga sanhi ng hypothyroidism tulad ng fatigue at pagtaba
Comments