ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | March 21, 2021
Dear Doc. Shane
Nais kong malaman kung namamana ba ang kanser sa sikmura? Namatay kasi sa sakit na ito ang kapatid ng aking tatay kaya nangangamba kaming baka magkaroon din siya nito. Ano ang sanhi at sintomas kapag nagkaroon nito? – Nami
Sagot
Ang kanser sa sikmura o gastric cancer ay tumutukoy sa kanser na nagmumula sa kahit anong bahagi ng sikmura.
Maaaring makakuha ng karamdamang ito, kapag:
· May family history sa sakit
· Naninigarilyo
· May tumubong polyp sa tiyan na mas malaki kaysa sa dalawang sentimetro
· May pernicious anemia — pagbaba ng bilang ng red blood cell na nangyayari kapag ang bituka ay hindi wastong maka-absorb ng Vitamin B12
·
Iba’t ibang uri ng kanser sa sikmura:
· Adenocarcinoma. Ito ay malignant tumor na nag-uumpisa sa pinakakaraniwang selyula na makikita sa aporo ng tiyan.
· Carcinoid cancer. Ang mabagal na lumalagong kanser na maaaring lumitaw sa maraming parte ng katawan.
· Gastrointestinal stromal tumor (GIST). Isang kanser na nagsisimula sa mga tisyu ng nervous system.
· Lymphoma. Isang klase ng kanser na nakakaapekto sa mga selyula at tisyu ng lymph node, bone marrow at spleen.
·
Ang helicobacter pylori ay pinaniniwalaang sanhi ng karamihan sa mga kaso ng kanser sa sikmura. Samantala, ang autoimmune atrophic gastritis, intestinal metaplasi at iba’t ibang henetikong kadahilanan ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng sakit na ito. Ito ay madalas na asymptomatic (walang sintomas), hindi tiyak ang dahilan o maaaring may kaugnayan sa iba pang mga kondisyon. Ang sintomas nito ay maaring hindi magpakita sa una o sa maagang yugto ng pagkakasakit. Ngunit, sa kalagitnaan o huling yugto nito ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:
· Labis na pagdighay
· Pagbaba ng timbang
· Maitim na mga dumi
· Panghihina
· Pagsusuka na maaaring may kasamang dugo
· Hindi pagkatunaw ng pagkain o hindi natunawan
· Kahirapan sa paglunok na nagiging mas malala sa paglipas ng panahon
· Pakiramdam na punumpuno ang tiyan pagkatapos kumain
·
Mga pagsusuri
· Complete blood count (CBC)
· Esophagogastroduodenoscopy (EGD)
· Pagsusuri ng dumi upang makita kung mayroon itong dugo.
Ang gastrectomy, ang tanging lunas na maaaring magpagaling sa karamdaman ay ang pag-aalis ng lahat o bahagi ng tiyan. Ang chemotherapy at radiation therapy pagkatapos ng operasyon ay makatutulong din upang lalong tumaas ang pagkakataong mapabuti ang kondisyon.
Mga mungkahi
· Umiwas sa bisyo lalo na sa paninigarilyo
· Ugaliin ang pagkain ng gulay at prutas
· Ugaliin ang pag-inom sa oras ng iniresetang gamot ng doktor
Comments