ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 22, 2021
Binigyan na ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinovac COVID-19 vaccine kaya maaari na itong magamit sa bansa, ayon kay Director General Dr. Eric Domingo.
Pahayag ni Domingo sa ginanap na Laging Handa press briefing, “After thorough and rigorous review by our regulatory and medical experts, the FDA issues EUA to Sinovac.”
Samantala, ayon kay Domingo, ang efficacy o pagiging epektibo ng Sinovac ay tinatayang aabot sa 65.3% hanggang 91.2% ngunit 50.4% lamang sa mga health workers dahil sa exposure nila diumano sa COVID-19.
Aniya pa, “The use of Sinovac vaccine on healthcare workers is not recommended.”
댓글