ni John Rey S. Reonico - @What's In, Ka-Bulgar | November 24, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/b16d6f_115a74b801594f65890d5c76d824513e~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/b16d6f_115a74b801594f65890d5c76d824513e~mv2.jpg)
Sa pagkagat ng dilim,
unti-unti nang lumalalim,
dahan-dahang kinakain,
lakas mo at panalangin.
Ilang bagyo pa ba
ang kailangan nating danasin?
Ilang buhay pa ba
ang kailangang sayangin?
Bago kayo tumayo,
bansa'y sipatin.
Ilang sigaw pa ba
ng "tulong" at "saklolo",
upang maalarma kayo,
sa masarap ninyong pagkakaupo?
Hindi naman artipisyal
ang sagot sa problemang totoo,
hindi rin pagsira sa kalikasan,
ang solusyon sa problemang ito.
Hindi buhangin.
Hindi ba ninyo naririnig
ang mga daing na bumabasag sa katahimikan?
Nakakatakot kung hindi,
dahil kung 'di n'yo pa rin alam ano'ng mali,
kayo na ang may mali.
Commentaires