top of page
Search
BULGAR

Single ticketing, start na — MMDA

ni Mylene Alfonso | May 2, 2023




Simula na ngayong araw ang pilot testing ng single ticketing system para sa mga motorista na lalabag sa batas trapiko sa National Capital Region (NCR).


Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Melissa Carunungan na susubukan muna nila ang nasabing sistema sa mga piling lugar upang matukoy ang anumang lapses o adjustments bago ilunsad sa buong rehiyon o sa buong bansa.


Ipatutupad ang dry run sa mga piling local government units kabilang ang mga lungsod Manila, Quezon, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela at San Juan.


"Ito ay magiging malaking ginhawa para sa mga motorista dahil sa loob ng single ticketing system, ang top 20 most common traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCash, Maya, at Landbank,” ani Carunungan sa Public Briefing kung saan may tracking department ang bawat LGU.


Nauna rito, nagkaroon ng briefing para sa mga traffic enforcers at sinanay sila sa Metro Manila Traffic Code of 2023 kung saan nakalagay ang uniformed fines at penalties ng mga LGUs at MMDA at pinalawig din aniya ang contesting procedure mula pitong araw ay naging sampung araw na.


Kasama sa Metro Manila Traffic Code of 2023, na magsisilbing guideline para sa nabanggit na sistema, ang mga parusa para sa mga sumusunod na paglabag sa traffic violations: Disregarding traffic signs, Illegal parking (attended and unattended, Number coding UVVRP, Truck ban, Light truck ban, Reckless driving, Unregistered motor vehicle,

Driving without license, Tricycle ban, Obstruction, Dress code for motorcycle, Overloading, Defective motorcycle accessories, Unauthorized modification, Arrogance/discourteous conduct (driver), Loading and unloading in prohibited zones, Illegal counterflow at Overspeeding.


Sa ngayon, wala pang ipatutupad na demerit points dahil undergoing approval pa ito ng Department of Transportation.


Nabatid na magde-deploy ang MMDA ng 900 enforcer kada shift sa mga pangunahing lansangan para sa pagpapatupad ng single ticketing system.


Ayon pa sa MMDA, ang multa para sa mga paglabag ay mula P500 hanggang P5,000.


Nilinaw din ni Carunungan na hindi nagbabago ang number coding scheme na mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holidays.


0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page