ni Julie Bonifacio - @Winner | August 24, 2020
Inamin ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto that she’s in a relationship now. Naganap ang pag-amin ni Angeline during her interview sa digital talk show na I Feel You.
But it seems may kaguluhan pang kinakaharap ang bago niyang relasyon. Na-reveal ito nu’ng sabihin ni Angeline na hindi pa niya naipapakilala ang kanyang boyfriend sa kanyang lola na si Mama Bob.
“Hindi ko pa siya naipapakilala kay Mama Bob. Hopefully, ‘pag naging maayos na lahat, sana maipakilala ko na," saad ni Angeline.
Up to now, waiting pa rin kami sa magiging paliwanag ni Angeline tungkol sa isyung ibinabato ng isang non-showbiz girl na na-ghosting ng nababalitang karelasyon niya ngayon. Or possible rin naman na ‘yung tinutukoy na karelasyon ni Angeline ngayon is different from that mysterious guy na nang-ghosting ng dati niyang gf.
Anyway, sa huling interbyu namin kay Angeline for her PadaLove online show sa YouTube ay natanong ang Kapamilya singer kung bakit pa niya ipinost sa kanyang socmed ang mga niretoke sa kanya.
“Kasi, uh, sa totoo lang, kahit noon pa naman po, talagang maraming tao na napakalaking isyu ang pagpapaayos ng mukha, ultimo 'yung pagpapatuli. Siguro, dumating lang sa point na ipinost ko ‘yun para rin maging klaro sa mga tao,” esplika niya.
At ang dami rin daw nagsasabi na nagpaayos siya ng ilong.
“Eh, hindi naman talaga. Kahit po kay Dra. (Vicki) Belo, sa clinic po nila, every time po na meron silang pasyente na pumupunta sa clinic, sinasabi nila, ‘Gusto kong ipagawa ‘yung ilong ni Angeline.’ Papagaya raw ‘yung ilong ko kasi ang ganda raw. Eh, hindi naman talaga ako nagpaayos ng ilong. Kaya inisa-isa ko rin ‘yung mga ginawa sa akin, kasi 'yun din naman ang totoo. Proud ako doon. At saka, makita man ‘yan nina Dra. Belo o ng mga taga-Belo, I’m sure na matutuwa pa nga sila. Kasi alam nila na ‘yun lang naman talaga ang mga ipinagawa ko.”
True!
Comments