top of page
Search
BULGAR

Sinabon ni Spox Roque, ipinagtanggol… SIGAW NI ANGEL: MGA DOKTOR, BAYARAN MUNA!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 12, 2021




Hindi nagustuhan ni Angel Locsin ang ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagsermon sa grupo ng mga doktor sa ginanap na Inter Agency Task Force (IATF) pandemic meeting held last Sept. 7.


Kumalat last Friday ang leaked video mula sa naturang virtual meeting at dito ay makikitang galit na galit si Roque sa mga doktor, partikular na nga kay Dr. Maricar Limpin na siyang presidente ng Philippine College of Physicians.


Ayon sa report, sa naturang meeting ay nakikiusap ang mga doktor na huwag munang ibalik sa GCQ ang Metro Manila at nag-suggest na magkaroon ng two-week hard lockdown dahil nga sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases.


Pero tila minasama ni Roque ang suggestion at nagtaas na ng boses na siya ngang makikita sa leaked video.


“We are employing an entire government approach to the problem, not sit there as if you are the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people?


“Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives, for crying out loud! No one in government wants a single life lost! No one!” ang galit na galit na sabi ni Roque sa video.


Idiniin din niyang wala na raw sinabing maganda ang grupo ng mga doktor hinggil sa pagresponde ng gobyerno sa pandemya.


Marami ang bumatikos sa inasal ni Roque at isa na nga si Angel sa mga nagbigay ng opinyon sa kanyang ipinost na Instagram Story.


“Naiintindihan ko ‘yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermunan ‘yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?


“‘Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba si DOH o employer ng medical workers?


“Ang employee, may karapatan na benefits. Ibigay kaya muna ‘yung benefits na hindi pa nababayaran,” ang pahayag ni Angel.


As we all know ay isa ang aktres sa mga nagmamalasakit sa ating mga health workers noon pa man. Madalas siyang magbigay ng tulong sa mga ito at lagi niyang pinupuri ang kabayanihang nagagawa ng mga ito sa ating bansa sa gitna ng pandemya.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page