ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 18, 2021
Diretsahan namang tinanong ni yours truly ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto kung ano ang masasabi niya sa Edu Manzano (her ex-husband and father of her eldest son Luis “Lucky” Manzano) at Cherry Pie Picache sweetest romance na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Sagot lang sa amin ni Vi, “Ate Mers! Pass ako sa issue na ‘yan. Wala akong comment sa mga tanong na ‘yan sa akin. Mahirap nang mag-comment (with matching smiling emoji and heart emoji). Thanks Temers.”
Well, kunsabagay, past is past na at nito nga lang nakaraang Biyernes ay nag-celebrate sila ng 29th wedding anniversary ni Senador Ralph Recto na kung tawagin ni Ate Vi ay “Papa”, na ewan kung “Papa-pakin”.
Charrr lang po! Hahaha!
‘Yun lang and I thank you.
Comments