ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 3, 2022
Pinalamlam ng Bagyong Paeng ang sana’y masayang long weekend ng mga kababayan natin.
Matinding pinsala na naman ang dinulot ng huling bagyong ito at marami ang nangangamba pa dahil kasunod nito ang pagpasok naman ng Bagyong Queenie.
110 kababayan natin ang pumanaw dahil sa bagyo, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Dagdag pa rito, umabot na sa P1.2 bilyon ang tantiyang pinsala sa agrikultura at P760 milyon naman sa imprastruktura.
Umaasa tayong mabilis na kikilos ang buong pamahalaan upang matulungang bumangon muli ang mga kababayan nating apektado.
☻☻☻
Nasa 20 bagyo ang dinaranas ng Pilipinas sa bawat taon.
Inaasahang lalakas lalo ang mga bagyong tatama sa atin dahil sa epekto ng kasalukuyang krisis sa klima.
Kung nais nating maibsan ang epekto ng climate change at maprotektahan ang mga mahal natin sa buhay, kinakailangang magsimula na ang masinsinang aksyon para tugunan ang mga isyu ng kalikasan.
Napakarami nang nailatag na estratehiya kung paano tayo magiging climate-resilient.
Ang kailangan, sinsero at agarang aksyon sa buong bansa, sa lahat ng antas ng pamahalaan at lipunan.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments