top of page

Simula Pebrero 16... Foreigners na ‘di bakunado, bawal na sa ‘Pinas – Palasyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 28, 2022



Ipagbabawal na ang pagpasok ng mga foreign nationals o dayuhan na hindi fully vaccinated kontra-COVID-19 simula Pebrero 16, kasunod ng pagrebisa ng gobyerno ng kanilang protocols para sa mga international travelers at returning overseas Filipinos, ayon sa Malacañang.


Sinabi ni acting Malacañang Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na base aniya ito sa pandemic inter-agency task force’s (IATF) Resolution No. 157.


“Sorry to say pero by Feb. 16, ‘pag hindi fully vaccinated, hindi natin papapasukin,” ayon kay Nograles sa isang televised public briefing ngayong Biyernes.


Aniya, inaprubahan ng pamahalaan ang tinatawag na dropping facility-based quarantine para sa mga fully-vaccinated international travelers at returning overseas Filipinos (ROFs).


Ang mga fully-vaccinated nationals mula sa mga non-visa requiring countries, sa ilalim ng Executive Order 408, series of 1960 ay papayagan na ring pumasok sa bansa simula Pebrero 10, 2022.


Gayundin, batay sa nakasaad sa EO, pinapayagan nito ang pagpasok ng mga fully-vaccinated international travelers kaugnay naman sa pagnenegosyo at turismo.


“’Yung under EO 408, kailangan fully vaccinated, makikita natin na we are only allowing foreign nationals coming in na fully vaccinated,” paliwanag ni Nograles.


“Kapag hindi fully vaccinated, hindi po puwede, pero absolutely sa 16 tama po ‘yun, wala nang foreign nationals na makakapasok dito na hindi fully vaccinated,” sabi pa ng opisyal.


Nabuo ang naturang polisiya matapos na simulan ng gobyerno na ipagbawal ang mga unvaccinated na mga indibidwal na pasakayin sa mga public transport sa National Capital Region (NCR).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page