ni Lolet Abania | October 15, 2021
Papayagan na ang lahat ng first at second level courts sa National Capital Region (NCR) na magsagawa ng in-court proceedings hinggil sa mga agarang kaso at iba pang isyu na kailangang idetermina ng hukom simula Oktubre 18, pahayag ng Supreme Court (SC).
Sa inilabas na circular nitong Huwebes, ayon kay Court Administrator Midas Marquez, dapat lamang na ang in-court attendance ay limitado sa mga abogado, parties, at mga saksi na kinakailangang dumalo rito.
“All others who are not required to be in-court, but wish to observe the proceedings may do so through videoconferencing, subject to existing guidelines,” paliwanag ng SC.
Ang mga korte at essential judicial offices sa rehiyon ay maaari namang mag-operate na nasa skeletal workforce na may maximum na 50% ng kapasidad nito.
Samantala, binawi na ng high court ang suspensyon ng oras ng pag-file at service ng pleadings at motions sa lahat ng first at second level courts sa buong bansa.
“Considering that electronic submissions and service may be resorted to,” sabi ni Marquez.
“The personal filing or service of pleadings and other court submissions shall be allowed for exigent matters and cases,” ani pa ni Marquez.
Ang mga pleadings, motions, at iba pang court submissions ay maaaring i-file o i-serve gamit ang registered mail, sa pamamagitan ng mga serbisyo ng duly accredited private couriers o kaya ay pagpapadala nito gamit ang electronic mail.
Ang Metro Manila ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31, 2021.
Comments