ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 29, 2022
Nagsimula noong December 27 ang registration ng mga SIM card alinsunod sa Republic Act 11934 na isinabatas noong October.
Minamandato ng SIM Card Registration Act ang pagrehistro ng lahat ng telecommunications subscribers sa kanilang service provider para ma-activate ang kanilang SIM.
May 180-days ang bawat subscriber na mag-register para hindi ma-deactivate ang kanilang SIM.
Layunin ng RA 11934 na maprotektahan ang madla sa naglipanang spam text at scam, at para na rin matulungan ang mga law enforcement agencies sa pagresolba sa mga krimen.
Umaasa tayong magtutulungan ang lokal at pambansang pamahalaan para maging accessible ang SIM card registration, lalo na para sa mga kababayan nating nasa kanayunan.
☻☻☻
Nais nating samantalahin ang pagkakataon para mag-advance greeting sa ating mga kababayan.
Bitbit ng bawat bagong taon ang bagong pag-asa. Anuman ang nangyari sa nakaraang taon, mayroon tayong pagkakataong magsimula muli at matuto sa mga aral ng nakaraan para sa mas magandang bukas.
Huwag sana tayong mawawalan ng pag-asa, gaanoman kadilim para sa ating ang kasalukuyan.
Patuloy tayong lumaban para sa ating mga pangarap.
Manigong bagong taon sa ating lahat!
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin
Comments