top of page
Search

Silva, panalo sa Split-Decision nang Magboksing vs. Chavez

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | June 22, 2021




Nakamit ni dating undisputed UFC middleweight champion Anderson “Spider” Silva ang isang pambihirang panalo laban sa dating boxing middleweight titlist na si Julio Cesar “The Son of the Legend” Chavez Jr. via split decision sa sanctioned eight-round boxing match sa Tribute to the Kings sa Jalisco Stadium sa Guadalajara, Mexico.


Pinaboran ng dalawang hurado ang 46-anyos na Brazilian fighter at future mixed martial arts Hall of Famer sa iskor na 77-75, habang ang isa ay kinatigan ang 35-anyos na dating WBC 160-pound champion. “I feel so happy. I needed to do this because I love fighting, and boxing has been my dream for many years,” pahayag ni Silva. “I came here to do my best. I respect all the Mexican people. They’re very special people. Maybe I’ll fight again very soon.”


Kumunekta ng 99 na suntok mula sa binitawang 392 ang Sao Paulo, Brazil native para sa 25% connect rate, samantalang mas mababang 53 pumasok na patama sa 153 pagtatangka ang kinana ng Mexican boxer, na anak ng legendary great na si Julio Cesar Chavez Sr.


Ito ang ikalawang panalo ni Silva sa professional boxing at isang talo na huling lumaban sa boxing ring noon pang Agosto 5, 2005 laban kay Julio Cesar de Jesus ng Brazil sa 2nd round knockout, habang hindi naman naging maganda ang resulta ng 7 sa 9 na huling laban nito sa UFC, matapos ang tinamong leg injury nung 2013 laban kay Chris Weidman, nahirapan na itong maibalik ang dating angking galing na sinundan pa ng magkakasunod na talo kina Michael Bisping, Daniel Cormier, Israel Adesanya, Jared Cannonier at Uriah Hall.


It could have been a draw,” wika ni Chavez, na nawala ang premyo nitong $100,000 matapos pumalyang makuha ang inaasahang timbang na 182-pound limit. “He really didn’t do that much damage. I felt good. I felt that he wanted to control the fight and make me fall into his fight.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page