top of page
Search
BULGAR

Sikreto ng kampeonato nina Polidario at Magdato, ibinunyag sa TOPS on air

ni Gerard Peter - @Sports | March 5, 2021





Hindi naging mahirap sa tambalang Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense na makamit ang inaasam na tagumpay at kampeonato sa katatapos lang na Philippine Superliga (PSL) beach volleyball ‘bubble’ tournament dahil sa naging matagal na pagsasama sa mga nagdaang taon.


Tila ipinagpatuloy lang muli ng mga dating pambato ng University of Negros Occidental-Recoletos (UNO-R) ang kanilang maningning na kasaysayan sa loob ng sand courts, kung saan 3-beses silang hinirang na kampeon ng Beach Volleyball Republic sa Visayas, mga inter-scholastics events, gaya ng UNI-Games at iba pang mga liga.


Hindi naman kami nahirapan na magkaroon ng ibang adjustments nu'ng nagsama kami ulit, si Erjane kase yung pinakamatagal ko ng kasama sa beach volley, parang kapatid ko na iyan kaya alam na namin 'yung bawat galaw ng isa’t isa,” pahayag ni Polidario, Huwebes ng umaga sa TOPS: Usapang Sports webcast na live na napakinggan sa Sports on Air. “Iyong partnership namin is nag-complement sa mga personalities namin, in becoming a tandem ulit. hindi na kami nagkaroon ng malaking adjustments, kaya 'yung advantage namin is yung connection namin pareho na kahit may misunderstanding kami or miscommunication both inside and outside the court ay kaya naming i-manage agad,” paliwanag ni Magdato, sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusment and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusement Board (GAB).


Hindi ko inaasahan na muli kaming magsasama, nag-conclude na kami pareho after our partnership sa UNO-R, pero ibinalik yung tandem naming ulit and at the same time hindi ako pwede maglaro sa PSL because of my contracts sa Creamline, pero nung natapos na yung contract ko, I commit ng buo sa Abanse, together again with Erjane,” saad ni Polidario.


Gayunpaman, nagkaroon ng katanungan si Magdato sa kanyang kapasidad at kakayanang maglaro ulit sa sandcourts dahil sa matagal itong nawala sa paglalaro at kompetisyon, subalit lahat ng mga katanungan ay ginawa nilang makatotohanan upang makuha ang gold medal at kauna-unahang korona para sa Abanse Negrense sa panahon ng pandemya. “Since I’m not totally active during pandemic, maraming nagbago sa katawan at endurance ko. Marami akong what if kung kaya ko pa ba maglaro at baka di na ako makasabay kay Alexa, yung mga what if’s na iyon ay nag-turn out to be a gold medal,” eksplika ni Magdato.


Masuwerte ring nakamit ng Abanse Negrense B partner nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva, mga UNO-R representatives rin ang third place ng gapiin ang Pineda-Sabete duo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page