top of page
Search

Sikat na vloggers, nasa moving on pa rin… JAI AT AGASSI, SWEET PA RIN PERO FRIENDS NA LANG DAW

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 27, 2025



Photo: Agassi at Jai - Instagram


Kung may sikat na love team sa showbiz, mayroon din sa vlogging world at isa na nga rito ang mga vloggers na sina Agassi Ching at Jai Asuncion or popularly known as JaiGa.

JaiGa was one of the most followed and well-loved couple vloggers in the Philippines showcasing their travels, challenges and daily experiences. Tumagal din ng 5 years ang kanilang relasyon hanggang sa nag-break sila noong 2024.


Ang JaiGa ang dalawa sa mga bida sa first full-length film ni Direk Tom Nava na Postmortem kasama si Alex Medina. 


Humarap ang cast ng movie with Direk Tom sa mediacon na ginanap last Tuesday sa Mga Obra Ni Nanay Gallery ni Nanay Cristy S. Fermin.


Dahil nga kontrobersiyal ang kanilang love team sa vlogging world, inurirat ng entertainment press ang JaiGa tungkol sa kanilang nakaraan.


Hindi na idinetalye pa ng dalawa ang dahilan ng kanilang breakup pero ang maganda naman sa kanila, they remained friends even after the separation kaya tinanggap nila ang offer ni Direk Tom na first-ever movie nila.


Aminado naman si Jai na nasa proseso pa rin siya ng moving on ngayon mula sa kanilang breakup kaya sa career daw niya ibinabaling ang kanyang oras. 

Sa presscon ay sweet pa rin naman ang JaiGa kaya naman natanong sila kung may tsansa pang magkabalikan sila.


Pero ayon sa dalawa, okey naman na sila ngayon na friends na lang. Pareho silang single sa ngayon at ang focus daw muna nila ay sa kanilang career.


As for Direk Tom, passion niya raw talaga ang pagdidirek ng pelikula. Marami na siyang naidirek na short films at siya rin ang direktor ng vlog ni Nanay Cristy na Showbiz Now Na (SNN), gayundin ng vlog ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Inspires (ODI).


Mukhang may ilalaban si Direk Tom sa mga mahuhusay nating filmmakers ngayon dahil maganda ang trailer ng Postmortem na siya rin ang sumulat ng script. 


Well, puring-puri rin ni ‘Nay Cristy si Direk Tom dahil napakagaling daw na direktor ngunit hindi pa lang daw nabibigyan ng chance sa mainstream kaya binigyan niya ng isang presscon ang direktor bilang pagsuporta sa first full-length film nito.

Showing na sa mga sinehan sa March 19 ang horror-thriller film na Postmortem.


 

KINAYA ni Dimples Romana ang mahirap na ‘harness scene’ sa horror film nila ni Iza Calzado na The Caretakers (TC) alang-alang sa tawag ng trabaho.


May fear of heights kasi ang aktres, pero sey nga niya sa red-carpet premiere night and mediacon na ginanap last Monday sa SM The Block, “May mga bagay kang lulunukin para sa trabaho talaga.”


Nang pinapanood nga raw niya ang nasabing scene, pati siya ay natakot sa sarili. Ang co-star niyang si Iza ay na-impress din sa kanya at sey nito, nag-ala-Linda Blair ng Exorcist daw siya sa nasabing eksena.


“Pero ako, I feel very blessed because even while we were shooting it, hindi ako natakot na parang mahuhulog ako ru’n, ‘no? I know Rein Entertainment, I know Regal Films. I know there’s nothing for me to worry,” pahayag ng aktres.


Showing na sa mga sinehan simula kahapon, Feb. 26, ang TC directed by Shugo Praico hatid ng Regal Entertainment at Rein Entertainment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page