top of page
Search
  • BULGAR

Sikat na K-pop group, ginagastusan pa raw…

SIGAW NG NETIZEN: LEA, GAMIT NA GAMIT ANG BTS PARA LANG MAPAG-USAPAN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 17, 2021




Sa socmed account ni Lea Salonga ay may hashtag siyang #AskMissLea para sa mga gustong magtanong o kung wala naman ay magpaka-fan girl na lang daw sila tulad niya sa BTS.


Ayon sa Broadway singer-actress, “Okay gang… shall we do an #AskMissLea session? I shall end it at 2 PM. If you don’t have a question, we can fan girl over BTS together. Whaddaya say? Let’s fill the TL with good vibes!”


Isang netizen ang agad na nagtanong, “IS THERE STILL HOPE FOR THE THIRD MOVIE WITH AGA MUHLACH?”


Nakakalokah ang sagot ng Broadway singer-actress na, “Choppy ka, Madam.”


Ang taray, ‘di ba?


Isa namang faney ng BTS ang nagtanong na, “BTS is ___?”


Sey ni Lea, “BTS helped my mental health.”


Iba ang dating ng sagot ng beteranang singer sa netizen at sey nito, “Gamit-gamit din sa BTS para pag-usapan!”


Sambit naman ng isang follower ni Lea sa socmed, “Matagal na s’yang fan n’yan. Nagbayad pa ‘yan ng online concerts ng BTS and super-saya ni Tita Lea nu’ng napanood, hahaha!”


Aware naman ang isang netizen at sey nito, “Hindi ba puwedeng ganu’n sila kasikat at kahit si Lea, gusto sila??”


Pagtatanggol pa ng isang faney, “Lea really loves BTS. She is not like other artistas na nakiki-K-drama lang dahil uso. We feel Lea’s sincerity towards BTS.”


Komento ng isa pa, “Natawa ako sa choppy. Hanggang ngayon kasi, masakit pa rin ang ginawa sa kanya ni Aga.”


May lamat pa raw kasi sa puso ni Lea ang pagdedma sa kanya ni Aga nu’ng itina-try na tawagan ang aktor para mag-guest sa kanyang online concert last year.


Mataas naman ang tingin ng isang netizen sa former Miss Saigon kaya ‘di siya makapaniwalang fan ng BTS ang singer-actress.


“Parang nakakababa sa image ni Lea na like n’ya ang BTS. Sa pagka-snob n’ya, ‘di ko akalaing gusto n’ya sila or nakikisakay lang? Naku, ‘no, di hamak na mas ok ang Venga Boys kaysa eeky BTS.”


Sagot naman ng iba pang faney, “Nakakababa ng image? Patawa ka. Kung isang Lea Salonga na big name sa larangan ng musika, naka-appreciate, ibig sabihin lang, they really are something. Kung ‘di mo kilala at wala kang planong kilalanin, then ‘wag mag-comment sa bagay na wala kang alam.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page