ni Lolet Abania | October 7, 2020
Pumanaw na si Eddie Van Halen, isa sa mga tinaguriang pinakamagagaling na gitarista pagdating sa rock music at nagtatag na miyembro ng kilalang rock band na isinunod sa kanyang pangalan, dahil sa lung cancer sa edad na 65 sa Los Angeles, California, USA kahapon, ayon sa anak nito.
"I can't believe I'm having to write this but my father, Edward Lodewijk Van Halen, has lost his long and arduous battle with cancer this morning," post sa Twitter ni Wolfgang Van Halen, isang bass player na miyembro rin ng banda ng kanyang ama.
"He was the best father I could ever ask for... Every moment I've shared with him on and off stage was a gift."
Binuo nina Eddie at kapatid na si Alex ang Van Halen noong 1970 sa Los Angeles at naging tanyag ang hard rock band sa Sunset Strip, Los Angeles bago sumikat sa naging debut album noong 1978.
Naitala ang nasabing album sa Number 19 sa Billboard charts na naging isa sa pinakamatatagumpay na debut nu'ng panahong iyon.
Commentaires