ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 20, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eva ng Pila, Laguna.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagluluto ako. Ang ginamit ko sa pagluluto ay hindi gas stove kundi uling.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Eva
Sa iyo, Eva,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluto ka ay may dadaluhan kang masayang pagtitipon na kung saan makikita mo ang dati mong mga kaibigan. Magiging masaya ka sa nasabing pagtitipon, at hahanapan n’yo ng ka-match ang mga kaibigan n’yo na wala pang dyowa. Ang maganda pang balita, magkakatuluyan sila.
Samantala, ang nagluto ka gamit ang uling ay nagpapahiwatig na magiging abala ka sa maraming bagay. Ito rin ang maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiyak na yayaman ka rin dahil sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments