ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 24, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na isa akong dishwasher sa carinderia. Nakasuot ako ng apron, subalit ‘yung apron na suot ko ay punit pala ang laylayan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norma
Sa iyo, Norma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na isa kang dishwasher sa carinderia ay magkakaroon ka ng mga bagong damit. Mas madaragdagan pa ang mga damit mo ngayon.
Ang punit na apron ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng bagong love affair.
Maiinlab ka sa bago mong kakilala.
Samantala, may nakita kang ganadong kumain ay senyales na isa sa mga kaibigan mo ay magiging mayaman.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments