ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 18, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Herbert ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa isang tahimik, payapa at panatag na lugar ako, hanggang sa naisip kong magdasal hawak ang aking rosaryo.
Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na tinuturo ko ang tungkol sa pagdating ng Panginoong Hesukristo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Herbert
Sa iyo, Herbert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa tahimik, payapa at panatag kang lugar ay matatapos na ang mga gumugulo sa iyong isipan. Malulutas na ang mga problema mo at magiging panatag na ang iyong kalooban sa susunod na mga araw.
Ang nagdasal ka hawak ang rosaryo ay nangangahulugan na papalarin at magtatagumpay ka sa binabalak mong gawin.
Samantala, ang nagturo ka tungkol sa pagdating ni Hesukristo ay senyales na tataas ang antas mo sa lipunan dahil sa mga bagay na ginagawa mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments