ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 8, 2025
Photo: BINI Aiai - IG
Naglabas ng saloobin ang isa sa members ng BINI na si Aiah Marceta tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya lately na bagama’t hindi niya specifically tinukoy kung ano, it’s obvious na may kinalaman ito sa pagkaka-link niya sa PBA player na si Caelan Tiongson.
Sa kanyang X (dating Twitter) account ay sinabi ng P-pop star na aware siya sa mga naglalabasan at nasusubaybayan niya kung paano ito lumalaki at nami-misunderstood ng mga tao.
“Honestly, it’s interesting to see how it has become such a big deal for some, along with the multiple theories circulating about it. It’s also fascinating to observe how quickly noise can grow and how many people can misunderstand so many things,” aniya.
Patuloy niya, “I also notice that almost everyone I hang out with or surround myself with gets linked, no matter who they are whether it’s a friend, a superior, or even a relative which I find is unfortunate.”
Madalas ay hindi naman daw siya naba-bother sa mga tsismis na ito pero iba raw ngayon dahil nadadamay na raw ang mga taong malalapit sa kanya.
“Usually, I am just unbothered and let things be because I know what’s truly happening behind all the commotion. But this time, it pains me to see that the people who make me feel safe, calm, and normal, and those who contribute to my happiness are being ridiculed and made fun of online.
“My friends have been such a great help to me, especially lately, and I think they don’t deserve the hate,” pahayag niya.
Ayon pa kay BINI Aiah ay hindi nakikita ng tao ang katotohanan kaya sana raw ay maging kind naman ang mga ito.
“There are so many sides and truths that people don’t see, and I just hope we can all be kind to one another because kindness is free, and we all need it.
“I hope and pray that all the hate gets suctioned out and is instead filled with nothing but love. Let’s all be loving and kinder to one another,” saad ng BINI member.
Sa huli ay nag-biro na lang si Aiah na next time ay baka ang aso naman niyang si Honey ang mapabalita.
“Also, sabi raw ni Honey, baka siya naman na mabalita, this time kasi, mahilig din naman s’yang manood ng mga aso na naglalaro, Hehehe! Anyways, nothing but love and no hate,” sey niya.
Matatandaang nagsimulang ma-link si BINI Aiah kay Caelan just recently at nag-viral pa ang picture niya na nanood ng laro ng Rain or Shine Elasto Painters na kinabibilangan ng basketball player noong March 1.
Bago ito ay spotted din si Caelan na nanood sa sold-out Grand BINIverse concert ng Nation’s Girl Group na BINI sa Philippine Arena last February 15.
In an interview, hindi kinumpirma o idinenay ng cager kung magdyowa na sila ni Aiah. Ang sinabi lang niya ay churchmates sila at nagkakilala “through a mutual friend.”
Ipinaliwanag din ng Filipino-American player na isa rin daw siya sa mga fans ng BINI kaya siya nanood ng concert ng grupo,
“I love BINI. (I’m a) big Bloom fan, love their music,” saad ni Caelan.
BILANG suporta sa mga kapwa Kapuso stars, nag-sponsor ng block screening si Alden Richards para sa pelikulang Everything About My Wife (EAMW) na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Sam Milby.
Ipinost ni Dennis at ng GMA ang mga kaganapan sa nasabing block screening na dinaluhan ni Alden at ng JenDen.
Sa video ay mapapanood na abut-abot ang pasasalamat ng mag-asawa kay Alden.
“Gusto naming magpasalamat kay Alden. Thank you so much. Maraming salamat, napaka-generous talaga nito. Iba talaga, eh,” ani Jen.
Sey pa niya kay Alden, “Anytime, ‘pag kailangan mo ng support, para makabawi naman kami, kami naman. Kahit ano.”
Sagot naman ni Alden, “Hindi kailangang bumawi kasi nga, parang ‘yun ‘yung mission din ng company namin, ng Myriad Entertainment Corporation, to really support the local cinema scenes and kung meron man akong magagawa para sa mga co-actors ko in the industry, kahit pa sa labas ng GMA, I will go out of my way to support you, guys.”
Dagdag pa ng aktor, “Ang sarap sa pakiramdam, ‘di ba? Kaya tayo, sama-sama, buhayin natin ang Philippine cinema.”
Pinuri rin ni Alden ang ganda ng pelikula at sey niya, napakahusay daw nina Jen, Dennis and Sam.
“Nakakainis lang ‘yung ending,” sambit pa niya.
Anyway, showing pa rin sa mga sinehan ang EAMW now on its second week.
Comments