ni Julie Bonifacio @Winner | December 30, 2022
Pina-excite ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang kanyang mga fans during her speech bilang Marichu Vera-Perez awardee sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2022 Awards Night.
Nabanggit kasi ni Ate Vi na gusto niyang gumawa ulit ng pelikula next year.
Pahayag ni Ate Vi, “Sana, next year, makagawa ako ng pelikula. Maisali naman dito sa MMFF.”
It’s been decades already nu’ng huling gumawa ng pelikula si Ate Vi na kasama sa Metro Manila Filmfest. Ang huling movie niya na kasali sa MMFF ay ang Mano Po III: My Love directed by Joel Lamangan noong 2004.
Naghiyawan ang mga fans ni Ate Vi na nasa loob ng New Frontier Theater kung saan ginawa ang awards night ng MMFF. Nagalak din pati ang mga fans ng aktres sa socmed.
Pero may isang nag-post ng comment at ikinonek na naman ang rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor.
“Naku, mag-movie ka na, Vilma. Bina-bash ka na ng mga Noranians. Nagbebenta na lang ng tuyo si Nora Aunor, wahhhahaha! National Artist yern, hahahahaa!”
May nag-react na netizen sa comment sa itaas. Aniya, “Masama po ba ang magbenta ng tuyo?”
Samantala, ibinulgar naman ni Ate Vi sa kanyang speech kung bakit very special sa kanya ang Marichu Vera-Perez award na ibinigay sa kanya.
“Uh, kasi siya po ay para ko nang pangalawang ina. Sa panahon po ng buhay ko na kailangang-kailangan ko ng gabay, nandid’yan po si Manay Ichu, so Marichu Maceda…” lahad ni Ate Vi, na maaaring ang tinutukoy ay nu’ng panahon na nagkaroon siya ng problema sa BIR.
“Sa taon pong ito, anim na dekada na po ako na nasa industriya ng pelikulang Pilipino.
Sixty,” pakadiin-diing sabi ni Ate Vi.
Pagpapatuloy niya, “At hindi po naging madali. Medyo mahirap din po. Pero nakayanan ko po dahil sa pagmamahal po sa akin ng mga tao, higit sa lahat, ng aking mga Vilmanians.”
Never in her wildest dreams daw na papasok siya sa pulitika, na magiging mayor siya, gobernador at congresswoman.
“But I guess it was meant to be. Gusto ng Panginoong Diyos. So, ginawa ko po ang lahat ng aking magagawa para ibalik ang serbisyong ito sa mga taong nagtiwala sa akin. Hindi ko po kayo ikinahiya,” say pa ni Ate Vi.
So, abangan natin ang pagbabalik-pelikula ni Ate Vi!
コメント