ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 4, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_fd4074daa3994801a1b6823bd6dbc9d2~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_fd4074daa3994801a1b6823bd6dbc9d2~mv2.jpg)
Ang daming nag-react sa trailer ng 1521 movie ni Bea Alonzo kung saan gumaganap siya bilang katutubong prinsesa (native princess).
Tanong ng netizen, "Is this a local production? I'm so confused."
Aniya pa, "1. Bea is half white and looks like one of the colonizers . 2. Why the heck are they speaking in English? 3. Danny Trejo (her leading man) has Mexican ancestor, not Spanish, right?
This just feels Pocahontas but in the PH setting."
Ayon sa Philippine TV & Film Updates, "The official teaser of 1521 starring Danny Trejo and Bea Alonzo has been released. It is set in the pre-Spanish era in the Philippines, a young native princess falls in love with a Spanish soldier."
Komento naman ng isang netizen, "Super support ako lagi to period movies pero BEA ALONZO as a native princess is probably the biggest miscast ever. I mean LOOK AT HER."
Sey naman ng isang netizen, 'di pa raw niya napapanood ang video clip, pero bumungad daw agad ang tanong why Bea as a native princess, eh, European look daw ang aktres.
Isa pa, bakit ang lahat daw ay nag-e-English? Dapat daw ay nilagyan na lang ng English subtitle ang iba?
Kaya naman, pawang negatibo ang mababasa sa comment section tungkol sa 1521 movie ni Bea.
"The movie looks cheap."
"So, this is what a Hollywood D-list movie looks like, hahaha!"
"Parang HS project, ah!"
"LBM kasi, Low Budget Movie. First time pa nu'ng producer na mag-produce. Wala rin namang napapatunayan pa 'yung director na Fil-Am actor na hindi rin naman sikat. They could have used the budget to fund a small but meaningful indie film instead na mag-ambisyong gumawa ng epic movie kuno."
"Hahaha! It's so baaaaaad! F ang cringey!!!!! Tama 'yung mga netizens, this is Pocahontas PH version!"
"Ang masakit du'n, international film 'yan na mukhang high school project lang."
"Luh, 'di na naman na-screen ang character sa project. I'll go for Lovi Poe or Sanya Lopez."
"Chaka ng trailer, chaka ng costumes, hindi realistic ang makeup at sana, may English subtitles na lang. Bakit inglesero? Bakit pinatos ni Bea 'to, 'kaloka!"
"Naging cheap na talaga aura ni Bea, grab na lang nang grab ng project."
"Exactly. From A-list projects to this, wala na bang ibang maayos na projects na ino-offer sa kanya at kung anu-ano na lang ang tinatanggap?"
Grabe ang mga komento sa aktres, huh!
Hindi pa naipapalabas ang kabuuan ng pelikula, pero ang mga puna sa kanya ay ganu'n na kalala.
What more pa kaya kapag ipinalabas na ito sa theater nationwide?
Comments