ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 21, 2022
Muling lumipad ang humanitarian actress na si Angel Locsin para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte kamakailan kung saan nagka-landslide pa.
Hindi naiwasang magkita roon sina Angel at Senador Bato dela Rosa. May kuhang larawan na magkasama ang dalawang personalidad na naka-post sa Instagram ng aktres.
Ang daming nag-react sa posted picture ng dalawa dahil nagkaroon sila ng issue noon.
Komento ng mga netizens…
"Ang Darna na hindi lang pang-teleserye kundi sa tunay na buhay, in character pa rin."
"Eto talaga 'yung hindi nambabastos, eh."
May nag-comment naman na, "Ang plastic talaga ni Angel. Naalala ko nga 'yung post niya dati, bina-bash niya si Sen. Bato, tapos ngayon, pa-friendly kuno."
Sumagot ang isang faney, "Puwede bang civil lang? Kung maayos namang nakikipag-usap 'yung tao that time, gusto mong um-attitude si ate gurl?"
"Sabi nga sa post, makinig. Sa susunod, pasama natin 'yung magbasa at umintindi. Tanda na yarn, kulang pa sa compre (comprehension)?"
"Respeto ang tawag d'yan. Kahit nambabatikos si Angel, marunong siyang makiharap sa tao lalo na kung pinapakiharapan din naman siya nang maayos. 'Di mo kailangang bastusin kung tao namang nakiharap sa 'yo, 'di ba?"
Kung hindi naman daw pinansin ni Angel si Bato, tiyak na may masasabi pa rin ang iba.
"Unity naman talaga ang kailangan natin in the face of adversity. Nakakapagod na ang bangayan, sa true lang..."
"Ma-charisma kasi 'tong si Senator Bato kahit na minsan, nakakabuwisit. Pero sa personal, lalambot puso mo. Haha! Relate much ako dito kay Angel."
Komento naman ng isang netizen sa larawan ng dalawa, "Bakit may pic si Angel with Bato na naka-Sara shirt? Ibig bang sabihin na Leni si Angel pero ang iboboto niya ay si Sara Duterte? Leni-Sara tandem?"
"Sa pagtulong talaga inuubos ni Angel 'yung pera niya. No wonder, ang blessing ang lumalapit sa kanya."
Naaliw naman ang iba sa joke-comment na, "Si Darna at ang real-life bato......"
May advise naman ang isang netizen sa aktres, "Sana, manatili na lang na ganyan si Angel. No problem on her giving her candidate a support but then kung sasali pa sa rally and sasagutin pa 'yung mga issues on politics, parang nakakabawas sa pagiging good influence niya."
Comentários