ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 15, 2022
Hindi nakaligtas sa mapanuri at pihikang panlasa ng sikat na international Broadway diva na si Ms. Lea Salonga ang cover version nina Jake Zyrus at Cheesa ng kantang Glimpse of Us ni Joji.
Komento ng multiple award-winning actress and singer sa kanyang Twitter post kasama ang video ng song, "Such monstrous talent, and what a gorgeous cover! @jakezyrus @CheesyFbaby."
Sa Instagram post ni Lea, inilagay niya sa ilalim ng video nina Jake na, "NAKAKAINIS SA GALING!!!"
Say naman ng mga netizens, "Jake x Cheesa. Mga Behhhh, masyado n'yo pong ginalingan.
Mapanakit na 'yung kanta + emotion + amazing vocals. PERFECTTT!!!"
"Jake, we love what you do, what you did and what you'll do. Your soul shines as much as your voice. Amazing song!"
"Jake Zyrus and Cheesa, that is the most amazing interpretation and cover of my favorite song.
Glimpse of Us by Joji. Do you know Jake that minutes ago I was thinking of somebody so dear to me and then boom, you sent me this song. I was crying drops of tears earlier and now I am crying gallon of tears."
"Undeniably, Jake Zyrus is one of the best singers internationally. He's like a savant in a very good way 'coz he never messes up a single note, ever. He is the best!"
Sa sikat na entertainment blog naman, nagtalu-talo ang mga Marites at comments nila...
"World-class talent naman talaga si Charice. Sayang lang 'di accepted ng karamihan ang bagong tunog at new image niya."
"Si Charice ang world-class. Si Jake, hindi. Fact!"
"Maybe if he stayed in the US, malayo na siguro ang narating ng career niya. At mas accepted pa siguro ang transition niya."
"Magaling pa rin siya but sounds generic na, AMININ. 'Yung Charice voice niya ang nagpasikat sa kanya."
"Agree, 100%. Magaling pa rin naman si Jake pero generic na ang boses."
Opinyon pa ng ibang netizens na nanghihinayang pa rin hanggang ngayon sa boses niya noong Charice pa si Jake, "Iba pa rin si Charice. Pero mukha namang masaya si Jake, so be it. Pero miss ko pa rin si Charice."
"I miss Charice's voice, 'yung kapal ng boses niya, saka high notes."
"Kung dati, Celine Dion boses niya, ngayon, Rico J. Puno na."
Totoo nga naman, dahil nag-take siya ng hormonal pills, kaya panlalaki na pati singing voice niya. 'Di tulad ni Ice Seguerra na buong-buo pa rin at klaro ang boses.
Kaya for sure, marami na naman ang mai-in love kay Ice sa first major solo concert niya after 10 years, ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert.
Ito rin ang first major concert niya na gamit na ang Ice Seguerra. Gaganapin ito sa The Theater at Solaire sa October 15.
Comments