top of page
Search
BULGAR

Mga magulang sa pagrerebyu sa Dengvaxia: Hustisya sa 166 na namatay sa bakuna, ibigay muna!

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | July 22, 2022



Nagimbal ang mga magulang sa tinaguriang Dengvaxia fiasco pagkatapos banggitin ng sinasabing infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na dapat magsagawang muli ng pagrerebyu sa pagtuturok ng Dengvaxia vaccine dahil diumano sa pagdami ng kasong ng Dengue ngayon sa ating bansa. Ito lamang ang naiisip na paraan ng nasabing eksperto upang bigyang-solusyon ang pagdami ng kaso ng Dengue. Marahil ay hindi alam ni Dr. Solante kung ano na ang mga datos ng Department of Health (DOH) hinggil sa mga naturukan at naging biktima ng nasabing bakuna.


Sa mga naturang vaccinees na ang mga kaso ay hawak ng Public Attorney’s Office (PAO), 166 na ang natapos na autopsies ng PAO Forensic Laboratory Division sa pangunguna ni Dr./Atty. Erwin P. Erfe. Mayroon namang dalawang buhay sa mga ito na isinailalim din sa Forensic Examination. Ang mga bata na ito ay dumaan din sa matinding mga karamdaman; ang isa sa kanila ay nagka-severe dengue at ang isa naman ay nagkaroon ng encephalytis.


Ang nasabing 166 na mga nasawing vaccinees na hindi dumaan sa kinakailangang screening at blood test ay ang mga sumusunod:


Anjielica M. Pestilos, Zandro N. Colite, Lenard L. Baldonado, Alexzander A. Jaime, Rei Jazztine D. Alimagno, John Paul R. Rafael, Christine Mae G. De Guzman, Kristel Jean M. Magtira, Michael V. Tablate, Zarah Mae E. De Luna, Aejay O. Bautista, Leiden M. Alcabasa, Crezele Ann Joy R. Viaros, Marc-Axl D. Eboña, Jose R. Balacano, Angelica F. Pulumbarit, Erico M. Leabres, Abbie N. Hedia, Maricel S. Manriza, Charmel T. Flordeliz, Melvin Karl G. Elipane, Lea P. Delos Santos, Roshaine D. Cariño, Jansyn Art F. Bataan, Darylle I. Sagun, Wiljen B. Alcontin, John Ray B. Pintor, Clarissa A. Alcantara, Jhon Loyd S. Rodica, Ej Christian T. Apa, Jonell Dc. Dacquel, Rolando O. Malagum, Naomi J. Nimura, Adeline B. Castroverde, Shane C. Lague, Riceza L. Salgo, Lloyd D. Babia, Christine Joy G. Asuncion, John Marky F. Ferrer, Gillianne R. Vasquez, Vicente T. Arugay, Aldrin S. Hinayon. Renelyn L. Avellanosa, Enjay Ivon M. Serrano, Julius Kenneth M. Baquiran, Gladimeir S. Juevesano, Valerie S. Pagulayan, Kendrick Guico Gotoc, Francis Ivan V. Sedilla, Mark A. Secondez, Micaella Kayla S. Mainit, Philip Jude E. Ednalaguim, Aldrid B. Aberia, Marl Aaron P. Chavez, Annaliza Dl. Silverio, Kianah Mae Garces Racuya, Marlon Jay N. Lorenzo, Joaniña T. Cortes, Elezar Brigoli Jr., Julliane R. Arriola, Anthony B. Conchada, Jocelyn C. Braga, John Lloyd M. Bautista, Crystal Mae G. Gaton, Ar-Jay O. Llantero, Trishanne T. Casona, Bianca K. Martija, Kelvin M. Anten, John Harry P. Rellores, Jericho P. Espinilla, Editha G. Arguta, Arianne Reese Verchez, Marqui Rhino B. Mangligot, Charisse Anne Dc. Pascual, Eira Mae H. Galoso, Shiela Mae C. Guerra, Elizabeth E. Gelotin, Princess Edralyn F. Serrano, Ashly Nicole P. Barbacena, Kenchi B. Ocfemia, Mary Rose V. Ibadlit, Psalm Dioquino, Maribel Santos Eustaquio, Venus E. Sedilla, Ronald L. Sibayan, Razel Lalaine M. Laylay, Elijah Rain E. De Guzman, Levie R. Losanga, Gianne Marie C. Sanchez, Donita Jen C. Fernandez, John Paul R. Dumaplin, Emmanuel C. Lirazan, Angelito Amiel C. Panugan Jr., Theresa Mae Aguipo Romano, Baron Rock Jayson Miranda, King Martin Luther T. Ancheta, Julienne Kailey D. Vidallo, Akira Mae L. Zarate, Friendly G. Mendoza, Carl Guillier D. Alfaro, Kyle Nicole S. Macasaquit, Levon Zirine C. Santos, Lance Allen O. Mitra, Krizha Agonia, Mary Grace Ela Peña, Alexa P. Regalado, Justine B. Briones, Rancel Mae G. Ganancial, Vea O. Mirandilla, Jessica V. De Chavez, Renz Mart O. Lucaba, Jericho M. Azogue, Joyce Ann Brizuela, Trixie Marie Laure, Jarmie B. Alim, Sandara A. Picones, Kylie Zsarene G. Tongco, Charmelyn Jumao-As, Nathaniel Panday Acla, Zwitsal A. Samorin, Trisha Mae A. Solamo, Maegan C. Valdez, John Arvyn D. Valenzuela, Jian S. Subing-Subing, Genalyn Ababao, Jovanni Carl Y. Caidlang, Rose Al C. Magbanua, Froilan R. Amistoso, Shaira Mae G. Lomtong, Reynalyn G. Almachar, Ella V. Villanueva, Nicole B. Benaro, Erica M. Montales, Mary Joy M. Fillarca, Calvin Jhon S. Soriano, Justine C. Paule, Jerome Q. Salazar, Jhon Stephen Nepomuceno, Trisha Janelle P. Olarte, Martha T. Camonggay, Darwen P. Racal, Cyrus Dj T. Copino, Shana Marie P. Pineda, Charish T. Debutac, Harold D. Polistico Jr., Joan L. Deang, Lennon Carl A. Ribo, Jessica B. Poquiz, Shekina Venice V. Arciaga, Rb D. Tamonan, Noreen M. Labrague, Kyle Sebastian Juan Andaleon, Rhenzyl Ilustre Castillo, Diana Diola, Edwin Jan C. Bognot, Zorev L. Nayve, Maekyla S. Cruz, Ma. Vinna Mae M. Etang, Jc Albert F. Legaspi, Crisa Mae Liya Porcia, Sam Gavriel V. Mendoza, Tyrone S. Tisbe, Angela A. Cera, Dick John L. Dela Cruz, Rizza Mae J. Ribo, Aeron Dave Susana.


Ang mga survivors naman ay sina Benedict Dominguez at Mark Joseph Estandarte.


Nagsimula na ang hearing ng criminal cases sa RTC Branch 107 sa Quezon City at ang presiding judge ay si Hon. Jose Bautista, Jr. Kabilang sa sinampahan ng kaso ang dating kalihim ng DOH at 41 mga akusado. Umabot na sa 156 sa patay at dalawa sa buhay ang naisampang kasong kriminal at 106 sa patay at dalawa sa buhay naman ang naisampang civil cases sa saka ni Judge Manuel Sta. Cruz ng RTC, Branch 226, Quezon City. Ang natitira pang bilang ng biktima ay handa nang isampa sa husgado. Kaugnay ng pagsasampa ng mga kaso sa Metropolitan Trial Courts ng Department of Justice (DOJ), nakapag-utos na ang Supreme Court na ilipat ang mga ito sa nasabing Regional Trial Court na isang Family Court kung saan ang presiding judge ay si Judge Bautista, Jr.


Kaugnay nito, sumisigaw ang mga magulang na mga miyembro ng Samahan ng mga Magulang Anak ay Biktima ng Dengvaxia (SMABD) sa pangunguna nina Gng. Sumachen Dominguez at Gng. Girlie Estandarte Samonte. Sumisigaw sila kaugnay ng mga daing mula sa hukay ng mga nasawing biktima na hanggang ngayon ay humihingi ng hustisya sa naganap na trahedya kaugnay ng nasabing bakuna na experimental pa. Sabi nga ng isang magulang, bakit hindi sinabi sa kanila ang apat na serious adverse effects, ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015}? Ang naturang serious adverse effects ay ang anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), at increase in severity of dengue disease.


Makakaasa ang sambayanan na hindi titigil ang PAO upang itanyag ang sulo ng katarungan at katotohanan upang maghari ang katarungan sa buong kapuluan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page