ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 13, 2021
Nalalagay ngayon sa alanganin ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil pinapapili sila ng KathNiel fans kung sila o ang ina ni Daniel na si Karla Estrada.
Tumakbo nga kasing partylist representative si Karla sa Tingog Partylist na kinaaaniban ni Cong. Yeda Romualdez, isa sa mga bumoto noon ng "NO" para hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Nag-file ng COC si Karla bilang pangatlong nominee ng Tingog Partylist sa 2022 elections.
Nadismaya ang KathNiel fans kaya may open letter silang ipinadala kung saan nakalahad doon na handang kumalas ang KathNiel fans sa oras na malaman nilang suportado nina Daniel at Kathryn ang kampanya ni Karla.
Ang katwiran nila, ang political move ni Karla ay taliwas sa pagtindig noon nina Daniel at Kathryn para sa libu-libong empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.
Ang nakasaad sa open letter ng KathNiel fans na addressed kina Kathryn at Daniel, "On 2020, during those times that we were fighting for press freedom, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla bravely disclosed their stands and made a promise that they will always stand with what they think is right.
"They will stand for the freedom of the press, for those who lost their jobs, and for those who are abused by the people who are in power."
Naniniwala ang mga fans na hindi sila tatalikuran ng kanilang mga idolo at tutuparin ang sinasabi nilang paninindigan ang suporta sa Kapamilya Network.
Anila pa, "We are calling out Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to take themselves out of this, to take a stand and never allow their names to be involved on someone's political gains that they don't support and [are] against their beliefs."
Nalaman pa ng KathNiel fans na may tao sa kampo ni Karla ang nakipag-usap sa administrators ng socmed ng KathNiel fans na mag-post ng teaser na may kaugnayan sa ina ni Daniel na nag-anunsiyong mayroon siyang "bagong tahanan."
Napag-alaman ng mga fans na ang tinutukoy na bagong tahanang lilipatan ni Karla ay partylist na sinamahan nga ng momshie ni DJ.
Sa huli, idiniin ng KathNiel fans na hinihintay nila ang opisyal na pahayag nina Daniel at Kathryn hinggil sa isyu.
"For the meantime, we are willing to cut our support of 9 years to KathNiel until they respond to our calls.
"We do this because we do not support and tolerate people that are too different from our principles, even if we stayed together for more than 10 years,” sambit pa ng mga ito.
Ayon naman kay Karla sa kanyang social media, “IT'S JUST POLITICS."
Dagdag pa niya, "Don't let our political preferences destroy friendships and relationships. We need to respect each other's choices.”
Samantala, nagbitiw na rin bilang isa sa mga hosts ng Magandang Buhay si Karla.
Heto ang mga komento ng mga netizens regarding sa pagtakbo ni Karla.
“You destroyed it and you will destroy KathNiel as well. It’s just politics, urong ka na dahil sure talo ka.”
“'Di n'ya na-gets. Mas naasar ang KathNiel sa paggamit n'ya sa kanila. Hindi man lang kasi sila sinabihan na para pala sa campaign niya 'yung teaser. Akala nila, bagong project ng KathNiel. Ginawa silang tanga. Nakakainsulto nga 'yun.”
“Grabe, she used KN's fandom to spread her politics without their permission.”
“Tsunami - "It's just water"; Tornado - "It's just wind", War - "It's just Politics", Forest Fire - "It's just smoke", Volcanic Eruption - "It's just Ash"; Hell - "It's just a figment of imagination"
“Karla phleeeeezzzzz, use your utak before you talak!!!!! Okey, Karla????”
“Sad, medyo mahina pala mag-isip si momshie. It’s just politics??? OMG. We’re talking about governing here! Kayong mga artista, ginagawa n'yo na lang fallback ng career n'yo gobyerno kahit wala sa puso n'yo public service! Layo n'yo naman sa likes ni Angel Locsin.
“S****d! It’s just politics? Then the more you shouldn’t run with that thinking.”
“Problema, they need the fans votes. Eh, kaso inaway na siya.”
“Epal na, wala pang respeto. It's not just politics when it involves people with dubious characters that helped the nonrenewal of franchise. Siya talaga ang sisira sa KN.”
"'Just politics' wow. Kaya pala nagkakandarapa kayong mga artista pumasok sa pulitika. Also, yes it's your right tumakbo, pero you deceived these people.”
“Masusubok ang pag-iibigan ng KN.”
“What does she mean it's just politics? She is running to be elected by the people. It seems she is already power tripping even before she gets a political position. Not a very good role model, not someone to be respected, most certainly not deserving to be elected.”
“'Kaloka si Karla, parang walang utang na loob sa mga fans ng anak niya. To think na wala naman dapat career si Karla kung 'di rin dahil sa KN. Sobrang out of place nga s'ya ru'n sa morning show n'ya, pero alam naman natin bakit s'ya 'andu'n (at hindi 'yun dahil magaling siyang mag-host).”
Huli naming nabalitaan, sa dami raw ng mga komento ng KathNiel fans na pumapasok sa comment section ng IG posts ni Karla ay in-off na ito ng mommy ni DJ.
Hindi siguro ma-take ni Karla na galit na galit sa kanya ang mga fans ng anak at ni Kathryn.
תגובות