top of page
Search

Todo-flex sa bagong biling Land Cruiser… SIGAW NG FAN NI DAVID KAY BARBIE: ASTANG-MAYAMAN PERO WALANG CLASS

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 6, 2025




Mabilis nag-trending sa X ang hashtag na #SulitBusogsaMcDo at #BarDaCoffeeDay bilang suporta ng mga fans sa latest endorsement for a fast food chain nina Barbie Forteza at David Licauco. Nabawasan ang pagka-miss ng mga BarDa fans sa favorite love team nila dahil sa TVC.


Kinakiligan ang TVC nina Barbie at David at in-apply ng mga fans sa real life, kahit alam nilang nasa delulu stage sila. Hindi pa kasi umabot sa ligawan stage ang dalawa kahit puwede dahil pareho naman silang single. As of now, love team at friends muna sila at tanggap ito ng mga fans.


Ang biruan nga ng BarDa fans, sa TVC muna sila lalo na’t si Sanya Lopez ang kapareha ni David sa pelikulang Samahan ng Mga Makasalanan (SNMM). Ang irony nito, kapatid si Sanya ng ex ni Barbie na si Jak Roberto, at sa movie, sina Sanya at David ang magkapareha.


Anyway, parang sobra naman ang galit ng isang fan ni David kay Barbie at pinuna ang pagpe-flex ng aktres ng bagong bili niyang Land Cruiser. Comment nito, “Flexing your possession like your car is common/normal among us average people, but you’re portraying to be alta, it’s not very alta behavior.”


Grabe naman para palabasin niyang walang class si Barbie sa pagdi-display ng pinaghirapan nitong sasakyan.


Sagot ng mga fans ni Barbie, kailan ba umarteng alta si Barbie? Open ito sa dating buhay nila bago pa siya nag-artista. Saka, hindi lang naman si Barbie ang nagpe-flex ng mga bagong bili nilang sasakyan. Sana raw, binash din ng fan ni David sina Gabbi


Garcia, Khalil Ramos, Sharlene San Pedro at iba pang celebrities na may new car. 

Hater lang daw ni Barbie ang fan na ito ni David kaya lahat ng kilos ng aktres, may sey siya.


 

Inilabas sa vlog… 

IVANA, NAMAKYAW NG 100 CELLPHONES


HAHARAP sa media si Ivana Alawi with a new hairstyle dahil noong isang araw, nagpakulay siya ng buhok at nagpalagay ng side bangs. Tinawag ni Ivana na ‘ginger hair’ ang kulay ng buhok niya, as in kakulay ng ginger cat.


Anyway, matanong nga si Ivana kung saan niya dinala ang 100 cellphones na pinamili niya noong isang araw din. Naubusan nga ng stock ang isang phone stall na binilhan niya, kaya sa ibang phone stall naman siya namakyaw. 


Napanood namin ito sa kanyang vlog, kaya lang, hindi namin natapos kaya hindi nalaman kung saan dadalhin ang maraming phones.


Still on Ivana, may more than 3 million na ang mga views ng collab vlog nila ni Barbie Forteza na kinaaliwan ng mga fans. Buong araw silang magkasama, sinundo ni Ivana si Barbie sa GMA Network, nag-ukay-ukay sila, namalengke at kumain na parehong naka-kamay.


Sa kuwentuhan ng dalawa, inalala ni Ivana ang pagiging mabait sa kanya ni Barbie noong nagkasama sila sa isang TV series. Talent pa lang si Ivana noon, kaya walang pumapansin. Si Barbie lang daw ang lumapit sa kanya, kinausap siya at tinanong pa siya kung gusto ng food.


Sabi ni Ivana, “Ang pinaka-naging mabait sa ‘kin, si Barbie Forteza. Totoo talaga s’ya kaya super blessed n’ya kasi she really has a good heart.” 


Sagot ni Barbie, “Grabe naman ‘to. Maraming salamat, Ivana Alawi. So happy for all your success.”


 

PAREHONG grateful sina Julie Anne San Jose at Darren Espanto na part sila ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition dahil sila ang kumanta ng theme song na Sikat Ang Pinoy. Nag-recording na ang dalawa at maririnig ang version nila sa March 9, sa simula ng latest edition ng PBB.


“Ate Julie and I are so honored to be part of this,” wika ni Darren. 


Sinundan ito ni Julie sa pagsasabing, “And it’s also a dream come true for everybody. Siguro sa part din ng artists because we have been waiting for this moment na talagang mag-collaborate ang GMA artists at ABS-CBN artists.”


Naging humble pa sina Darren at Julie dahil ang nasabing theme song ay isinulat ni Jonathan Manalo 19 years ago for PBB. Ang original singers nito ay sina Toni Gonzaga at Sam Milby. In fact, may nag-comment pa na mas gusto pa rin niya ang version nina Toni at Sam kahit hindi pa naririnig ang version nina Darren at Julie.


Dedma na lang sina Julie at Darren sa mga ganu’ng comments, basta sila ang kumanta ng new version.


“It’s truly an honor to be singing one of his creations (Jonathan) na bibigyan namin ng bagong flavor,” ani Julie.


Ayon naman kay Darren, “More modern ang version namin. There’s a new sound to it, and s’yempre iba ‘yung pakiramdam na ito na, ‘yung bagong henerasyon na ‘yung makakarinig sa kantang ito.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page