top of page
Search
BULGAR

‘Sigarilyo nabibilang sa museo,' — CEO ng Philip Morris

ni Chit Luna @Brand Zone | May 26, 2023




Nanawagan ang CEO ng Philip Morris International Inc. sa mga bansa na pabilisin ang mga hakbang para pigilan ang paninigarilyo sa buong mundo.


Sa isang pahayag sa harap ng mga miyembro ng media, pulitiko at tagagawa ng patakaran na ginanap sa UnHerd Club sa London noong May 23, 2023, sinabi ni Jacek Olczak, CEO ng PMI, na "ang sigarilyo ay nabibilang sa museo".


Jacek Olczak, Philip Morris CEO

Ayon kay Olczak, ang mga kasalukuyang patakaran ay hindi sapat ang bilis para pigilan ang patuloy na pagkalat ng paninigarilyo.


Ipinaliwanag ni Olczak na kung ang mga kasalukuyang naninigarilyo ay ganap na lumipat sa smoke-free products, may potensiyal itong bawasan ang pagkamatay dulot ng paninigarilyo ng sampung beses kumpara sa tradisyonal na hakbang sa pagkontrol sa tabako. Ito ay base sa tantiya na ang smoke-free products ay 80 porsiyentong mas mababa ang dulot na pinsala kumpara sa sigarilyo.


Ipinagtataka ni Olczak na ang mga smoke-free alternatives ay ipinagbabawal sa ilang bansa habang ang sigarilyo—sa kabila ng mas malaking panganib at pinsala nito—ay patuloy pa ding ibinibenta sa merkado.


Sinabi niya na ang epekto sa kalusugan ng pagwawalang-bahala sa potensyal ng mga smoke-free products ay maaaring napakalaki.


Nangako ang PMI noong 2016 na lumayo sa negosyo ng sigarilyo. Ang kumpanya ay namuhunan ng higit sa US$10.5 bilyon mula noong 2008 hanggang Marso 31, 2023 sa pagbuo at pagkomersyal ng mga smoke-free products—na ngayon ay nagkakahalaga ng halos 35 porsiyento ng kabuuang netong kita ng kumpanya.


Ayon kay Olczak, ang misyon ng PMI ay bawasan ang paninigarilyo at palitan ito ng mga hindi gaanong nakakapinsalang alternatibo, at sa huli ay gawing lipas na ang sigarilyo.


Aniya, ang kakayahan ng PMI na abutin ang misyong ito ay pinipigilan ng mga organisasyong laban sa tabako at labis na pagtitiwala ng mga pamahalaan na naniniwala sa prinsipyong “mas mabuting huwag gumawa ng anuman hangga't hindi natin nalalaman ang lahat.”


Nanawagan siya sa mga bansang ito na sundin ang mga halimbawa ng Sweden, Japan at ng U.K. at magpatibay ng mga patakaran na nagbibigay oportunidad sa mga naninigarilyo na pumili ng mga alternatibo at sa kalaunan ay gawing artifact na lamang ang sigarilyo.


Hinamon din niya ang mga organisasyong laban sa tabako na sumunod at ihinto ang pagharang sa pagbabago at tumulong upang mas mabilis na makamit ang isang smoke-free future para sa lahat.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page