ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 19, 2024
SANA I-VETO NI MAYOR HONEY LACUNA ANG ‘AUG. 24 MANILA CARLOS YULO DAY’ PARA MALIMUTAN NI MRS. YULO ANG NAGING SIGALOT SA ANAK -- Nais ni Angelica Yulo na dumating ang panahon na malimutan niya ang naging sigalot nila ng kanyang anak na si 2 gold medalist Carlos Yulo, kaya lang dahil sa ipinasang ordinansa ng Manila City Council na “August 24 Manila Carlos Yulo Day” ay hindi na niya ito malilimutan dahil sa tuwing sasapit ang araw na ito taun-taon ay lagi niyang maaalala ang ginawang TikTok sa kanya ng anak na nagpasama sa kanyang imahe sa publiko.
Sana naman i-veto ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ordinansang “August 24 Manila Carlos Yulo Day” para makatulong ang Manila LGU na malimutan ni Mrs. Yulo ang sigalot na nangyari sa kanila ng kanyang anak na si Caloy, period!
XXX
MAGPASUGAL, DISKARTE NG MARCOS ADMIN PARA MADAGDAGAN ANG KITA NG GOBYERNO -- Iminungkahi ng mga pro-Marcos congressmen na gawing legal ang e-sabong upang mabawi ng gobyerno ang nawalang revenue sa pagpapa-stop ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Hay naku, ito ‘yung uri ng gobyerno na ang naiisip na diskarte para kumita ang pamahalaan ay magpasugal, pwe!
XXX
POGO OUT, ONLINE SABONG IN, KAYA TULOY PA RIN ANG RAKET SA SOCMED NG MGA GAMBLING LORD -- Tulad ng POGO, ang sistema rin ng sugal na online sabong ay ipinu-post sa social media, na kahit mga bata ay nakapagsusugal dito sa pamamagitan ng pagtaya ng pera na ang gamit ay GCash.
Ang dami na ngang parents ang natuwa nang ipa-stop ni PBBM ang POGO, tapos may mga congressmen na ang gusto ay magpa-online sabong naman ang Marcos admin.
Kakabuwisit, tinanggal na nga ang POGO, tapos papalitan naman ng online sabong, at dahil diyan tuloy pa rin ang raket ng mga gambling lord sa socmed, tsk!
XXX
MGA CUSTOMS OFFICIAL NA MAY PUWESTO SA ADWANA SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN, DAPAT PAIMBESTIGAHAN NI PBBM TUNGKOL SA SHABU SHIPMENTS -- Bukod sa pagbulgar ni detenidong former Customs operative Jimmy Guban na sangkot umano sa shabu shipment sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio na mister ni Vice President Sara Duterte-Carpio at friend ni ex-P-Duterte na si Chinese national Michael Yang, ay ibinulgar din nito na may mga Customs official daw ang sangkot naman sa puslitan ng shabu sa Adwana.
Aba’y kung totoo iyan ay dapat paimbestigahan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang mga Customs official na nagkaroon ng mga puwesto sa Adwana sa panahon ng Duterte administration, period!
Comments