ni Gerard Arce @Sports | July 19, 2024
Mga laro sa Sabado
(Philsports Arena)
2 n.h. – NXLed vs Chery Tiggo
4 n.h. – PLDT vs Galeries
6 n.g. – Farm Fresh vs Creamline
Humambalos ng matitinding spikes si reigning league MVP Brooke Van Sickle upang ibigay sa defending champions Petro Gazz Angels ang pambuwenamanong panalo laban sa bagong bihis na Zus Coffee Thunderbelles sa straight set sa 25-16, 25-21, 25-21 sa pambungad na laro kahapon sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kumatay ang Filipino-American spiker ng 18-of-41 puntos mula sa atake kasama ang 3 service aces at isang block para sa kabuuang 22 puntos na sinamahan pa ng 11 excellent digs at 6 na excellent receptions.
Sumegunda si Cuban wing spiker Wilma Salas sa double-double sa 15 puntos mula sa 12 atake at 12 excellent receptions na itinalagang Best Foreign Import noong 2019 Reinforced edition na tinulungan ang koponan na makuha ang unang kampeonato sa liga.
Lumista rin si team captain Mary Remy Joy Palma ng 7 puntos at lefty-spiker Aiza Pontillas sa 7 puntos at 7 excellent digs, habang may 12 excellent sets si Chie Saet, na patuloy na ipinamalas ang malaking karanasan. “The team did a fantastic job. I’m just proud it’s our first game back and we were able to get things going,” saad ni Brooke Van Sickle.
Binuksan ng Akari ang Pool B campaign sa bisa ng 25-18, 27-25, 22-25, 25-14 win laban sa Capital1 sa 2nd game. Nakarekober ang Chargers matapos ang third set na pananamlay par amakuha ang 1-0 win kasalo ang Petro Gazz bilang lider.
Humaribas sina American import Oly Okaro, Ivy Lacsina, at Ced Domingo para sa Akari sa 4th set at dalhin sa 18-10 tungo sa panalo.
Comments