top of page
Search
BULGAR

Si Maja lang ang nagdadala... AWRA, PURO EMOTE AT PA-SEXY LANG SA GAME SHOW

ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 16, 2023



Napahanga kami ni Maja Salvador sa pagiging host niya sa bagong game show ng TV5 titled Emojination, lalo na nu'ng maglaro ang ilang kasamahan naming writers.


Kung dati kasi ay nakilala namin siya na isang magaling na artista at dancer, ngayon, mahusay din pala siya bilang game show host.


Wala siyang binabasang script, impromptu ang mga spiels na kanyang binibitawan at kering-keri rin ni Maja na magbato ng mga nakakatawang punch lines.


Samantala, ang co-host niyang si Awra Briguela ay panay lang ang emote at pa-sexy, sa true lang.


Maraming artista ang nawalan ng TV or movie projects dahil sa nangyaring pandemic, pero isa si Maja sa mga artistang naka-survive rito at bukod nga sa Emojination ay siya rin ang napili ni Bossing Vic Sotto na makasama sa bagong sitcom na ipinalit sa Daddy's Gurl kung saan kasama si Maine Mendoza.


So, shall we say... move over, Maine Mendoza and enter Maja Salvador?!


What do you think, mga Marites, mga Mosang at mga Marisol? Think and think big, ha! Boom, 'yun na!


Before the game show ng ilan naming kasamahang writers ay nagkaroon muna ng Q&A portion na tipong mediacon at pinutakti nga ng mga katanungan si Maja.


Sabi ni Maja ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bagong game show ng TV5 na Emojination na nagsimula nang umere noong mismong araw ng Mother's Day (May 14), 5 PM, dahil grabe raw ang pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ng APT Entertainment.


"Pandemic pa naman ay naramdaman ko na ang love sa akin ng APT family. So, marami akong first experience sa kanila. Sila rin ang unang nagbigay sa akin ng unang game show at para ibigay sa akin ito, sobrang laki ng pasasalamat ko dahil grabe ang tiwala nila sa akin.


"Kaya naman, yes na yes agad ako, lalo na 'yung title pa lang, interested na ako and then nu'ng sinabi kung paano tatakbo ang game show, du'n ako lalong na-excite. Nandu'n na naman 'yung mga butterflies sa stomach ko, kinilig na naman ako," ngiting-ngiting sey ni Maja sa madlang showbiz media.


"Dito kasi kailangan mong pag-aralan. Hindi lang sa script kailangan (dumepende), kailangan, mabilis din ang utak mo, kailangan, talagang pati ikaw, alam na alam mo ang mechanics ng laro, ng game show.


"With the help of our director, APT family at nakita n'yo naman nu'ng rehearsal namin, nagbigay sila ng comment kung ano ang kulang sa akin, kulang sa aming dalawa (Awra), kung ano ang mas dapat gawin pa. So, kaya masaya talaga. Sobrang saya lang namin kapag nagte-taping kami ng Emojination," sabi pa ni Maja, na ang makikita sa kanila ngayon ni Awra rito sa game show ay ang kanilang makulit na side.


Ang Emojination ay larong susubukin ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng mga emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.


Ang team na makakakuha ng pinakamaraming "emoticoins" ang makakarating sa jackpot round para sa chance na manalo ng mas malaking premyo.


"Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life," bahagi ni Guido R. Zaballero na president at CEO ng TV5. "We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend."


Kaya sumali na sa kasiyahang hatid ng mga emojis at manalo ng malalaking papremyo sa Emojination na mapapanood tuwing Linggo, 5 PM sa TV5.




0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page