ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 5, 2023
Nakakatuwang pagmasdan ang showbiz couple na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado habang game na game na nagtukaan sa harap ng press people na nangantiyaw sa kanila ng "Kiss! Kiss!"
Thirty-six years na silang kasal at napakarami nang pinagdaanan ng kanilang pagsasama, na hindi naman kaila sa lahat, dahil sa dami na ng na-link noon kay Sen. Bong nu'ng younger years nila.
Kaya nga nagkatawanan nang sabihin ni Congw. Lani na noon ay Gusto Ko Nang Bumitaw ang kanta niya sa mister, pero ngayon ay Ako ang Nagwagi na.
Pinatotohanan naman ni Manay Lolit Solis na talent manager ng mag-asawa na there was a time na gusto na ngang bumitaw ng aktres-pulitiko sa marriage nila ni Sen. Bong.
"Honestly, there was a time na naggi-give up na si Lani. Nagpapaalam na siyang aalis ng bahay. In-advise ko siya na ''Wag na 'wag mong gawin,'" kuwento ni Manay Lolit.
Hamon pa raw niya kay Congw. Lani, "Gawin mo kung kaya mo kasi baka mamaya, 'di ka na tanggapin pagbalik mo. Isipin mo munang mabuti. 'Pag 'di mo kaya, tiisin mo."
At dahil hindi nga bumitaw si Congw. Lani, "Ako ang nagwagi!" pakanta niyang sabi.
Dagdag naman ni Manay Lolit, "Lahat ng babae ngayon ni Bong, babae sa dilim. Siya ang legal wife, 'no? 'Yung iba, babae sa dilim lang."
Hahaha! But in fairness to Congw. Lani, napakagaling magdala at never mong mahahalatang na-stressed dahil kahit magpi-fifty-five years old na pala siya sa April 13, napakaganda at fresh na fresh pa rin.
At bilang birthday celebration nga ng kongresista, siya ang magbibigay ng regalo at kasiyahan sa kanyang mga constituents sa Bacoor, Cavite.
May pakulong "Alagang Ate Lani Birthday Selfie" kung saan mananalo ng cash prize ang mapipiling may best selfie with Congw. Lani.
May mga Bacooreño ring makakatanggap ng 55 hair makeover packages, 55 libreng pustiso packages, 55 libreng wheelchair packages, at 55 libreng salamin packages. May karagdagan pang 55 na makakakuha ng P2,000 in cash!
Bukod pa siyempre d'yan ang medical and dental services, financial assistance mula sa DSWD at DOLE at may Passport on Wheels din na maghahatid ng serbisyo ng DFA sa mga gustong mag-apply o mag-renew ng passport.
Oh, bongga, 'di ba?
Habang si Sen. Bong, ayaw ding magpahuli sa kanyang serbisyo publiko dahil consistent itong umaalalay sa mga biktima ng iba't ibang kalamidad sa buong bansa.
Ang sipag din niyang magsumite at magsulong ng mga panukalang-batas na magbibigay-benespisyo sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at isa nga riyan ang Centenarian Act of 2016 na malaking tulong sa mga senior citizens na may edad 80, 90 hanggang 100.
Isinusulong din ni Sen. Revilla ang pagpapatupad ng SBN 1964 o ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ na naglalayong maibigay ang Teaching Supplies Allowance sa public school teachers at iba pang karagdagang-benepisyo na makasasapat sa aktuwal nilang gastusin sa kanilang pagtuturo.
No wonder na dahil sa pagiging aktibo ni Sen. Bong, umabot sa 85% ang kanyang performance rating sa nagdaang 'Boses ng Bayan’ survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD), isa sa mga nangungunang public opinion poll bodies sa bansa, at pumangalawa nga siya sa lahat ng senador.
“Nakatataba ng puso na nakikita at nadadama ng ating mga kababayan ang ating pagpupursige at pagsisikap para tugunan ang kanilang mga pangangailangan, at itaguyod ang kanilang kapakanan. Napakalaking inspirasyon ito para higit pa tayong magsikap sa ating tungkulin," ayon kay Sen. Revilla na buong-pusong nagpapasalamat sa mga nagtiwala sa kanya.
Comentarios